Director Khryss Adalia works with his "Nanay" Celia Rodriguez again


Director Khryss Adalia (left) does not deny the fact that he was "nurtured" by veteran actress Celia Rodriguez (right). The director is happy that he gets the chance to work with his original "Nanay" in showbiz.


Kilala ang batikang direktor na si Khryss Adalia sa tawag na "Nanay Khryss." He, with the double-cheek kiss in greeting friends, acknowledges the fact that he is not the original "Nanay" dahil may "Nanay" rin siya sa showbiz—si Manay Celia Rodriguez.

Si Celia ang nag-nurture kay Khryss during their PETA days pa.

"Palagi niyang sinasabi, this boy has creative vision," pagre-reminisce ni Direk Khryss during the press con of his next soap opera for GMA-7, Mga Mata ni Anghelita, after Bakekang and also his next project after the recently concluded Magic Kamison.

Nag-mentor daw si Celia sa kanya hanggang pumasok na rin siya sa TV. Laking tuwa ni Khryss nang makatrabaho niya agad si Celia sa Familia Zaragoza noon sa ABS-CBN during the early ‘90s.

Pagkatapos noon, umalis patungong United States si Celia. Nang magbalik ang veteran actress, nasa ABS-CBN pa rin ang FAMAS award-winner samantalang lumipat na si Khryss sa GMA.

Mula noon, tuwing nagkikita kami, palagi niyang sinasabi na ang wish niya ay makatrabaho niyang muli ang kanyang "Nanay Celia." Ang kaso, nasa drama at teen shows si Khryss samantalang nang lumipat naman si Celia sa GMA-7, pawang mga fantasy ang ibinigay sa kanya, like Darna and Atlantika.

Nang magsisimula pa lang ang casting ng Mga Mata ni Anghelita, nagtanong na raw si Khryss kung mayroong role na babagay sa kanyang "Nanay" at nagkataong mayroon nga, so he requested that this be given to her.

Ngayon, masaya si Khryss na nagkasama muli sila ng kanyang original na "Nanay" sa showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN