Toni Gonzaga wants a male housemate to win in "Pinoy Big Brother" finale


After three seasons of female winners, Pinoy Big Brother host Toni Gonzaga wants a male housemate to win this time.


Ilang araw na lang at malalaman na ang big winner sa inaabangang Big Night ng Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 na gaganapin sa Araneta Coliseum ngayong Sabado, June 30. Ito ang pinakamahabang season ng PBB sa lahat ng edisyon na ginawa nila kaya naman feeling super exhausted ang buong staff, pati na ang mga hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, at Mariel Rodriguez.



"I will miss ‘yong pagiging ngarag almost everyday," bungad ni Toni sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Kung si Toni ang tatanungin, ang gusto niyang manalo this season ay lalake naman. Puro babae kasi ang mga nanalo noong mga nakaraang season—Nene Tamayo (Season 1), Kim Chiu (Teen Edition), and Keanna Reeves (Celebrity Edition).



Sino sa tingin niya among the male housemates na natitira ang mananalo?



"Ako, ito lagi ang sinasabi ko since Season One. Mas mahirap para sa akin kasi I do the voice-over, I run through the script bago magsimula ang season. Each of them, alam ko ang pinanggalingan nila. Alam ko ang background and personality ng bawat isa.

"Kaya it's so hard for me kasi like if I read the background of one of the housemates, ‘Ay, he deserves to win. She deserves to win. Everyone deserves to win.' It's so hard for me. If I say this name, then I will think about 'yung pinagdaanan ng isang housemate. ‘No, he also deserves to win.' So, I think, each and everyone who's in the house right now, they all deserve to win," paliwanag ni Toni.



May nakahanda na bang projects para kay Toni pagkatapos ng PBB?



"I'll be busy promoting my second album under Star Records, and I think I'll be doing a movie na rin," pagbabalita ng TV host-singer-actress.



May dalawang offers si Toni from Star Cinema. One with Piolo Pascual, and another with Vhong Navarro. If ever matuloy ang project niya with Piolo, first time niyang makakatrabaho ang aktor sa pelikula. Kung kay Vhong naman ang matuloy, she will be reunited with the comedian after D' Anothers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Tinanong namin si Toni kung natuloy na ba ang pagpapa-laser niya sa naiwang pilat sa mukha gawa ng aksidenteng nangyari sa shooting ng isa niyang TV commercial.



"Hindi pa," sagot niya. "Hindi lang siya halata dahil kinakapalan ko na lang ang make-up ko. Pero ibinigay na nila 'yong pera sa akin."



Malaki-laki ang halagang ibinayad kay Toni mula sa insurance company. Mula sa perang nakuha niya ay bumili naman ang Mommy niya ng panibagong real estate property para kay Toni. Ito na raw ang ika-walong lupang pag-aari ni Toni.



Aside from investing in real estate properties, target ni Toni ang makapagpatayo ng isang food chain business, either magpa-franchise daw siya or magtatayo ng business under her own name.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN