Child stars Krystal Reyes and Charming Lagusad: Rivals at an early age?


"Wala po kaming dapat kainggitan sa isa't isa dahil pareho kaming nabibigyan ng magagandang projects," says Krystal Reyes (right) about her rivalry with Charming Lagusad (left).


Pinabulaanan ng child actress na si Krystal Reyes na nagkakaroon sila ng rivalry at inggitan ng isa pang child star na si Eunice Lagusad, na kilala rin bilang Charming sa telebisyon. Unang nagkasama ang dalawa bilang batang Krystal at batang Charming sa Bakekang.

Sinabi ni Krystal sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng Mga Mata Ni Anghelita last June 25 sa Annabel's restaurant na mayroon ding big project si Eunice, ang Boys Nxt Door, kaya hindi sila dapat magkainggitan.

"Mayroon din naman po siyang Boys Nxt Door," sabi ni Krystal. "Mas nauna pa nga po yung ipinalabas. Nag-usap nga po kami at nagbalitaan ng tungkol sa mga bago naming trabaho. Lagi pa rin po kaming nagte-text. Ang malungkot nga lang po, hindi na kami nagkikita kasi pareho po kaming busy sa taping.

"Wala po kaming dapat kainggitan sa isa't isa dahil pareho kaming nabibigyan ng magagandang projects. Sabi rin po namin sa isa't isa, kung ano 'yung sa iyo, di sa ‘yo; kung ano 'yung akin, akin 'yun," paliwanag ni Krystal.

Bukod sa galing umarte, nakilala rin si Krystal bilang isang batang napakadaling mapaiyak. Kaya naman inusisa siya ng PEP kung madalas din ba siyang iiyak sa Mga Mata ni Anghelita, na re-make ng GMA-7 at magsisimula na sa July 2.

"Kung sa Bakekang po ay tabu-tabong luha ang iniyak namin, sa Princess Charming ay timba-timba, dito po sa bago kong drama series ay drum-drum na luha ang aming iiiyak!" natatawang saad ni Krystal.

Kaya naman daw panay ang pag-inom ng tubig at pagkain ng tsokolate ng 10-year-old child star para madagdagan ang enerhiya niya at hindi matuyuan ng tubig.

Ang Mga Mata Ni Anghelita ay unang sinubaybayan sa radio (DZRH) noong 1974. Isinapelikula naman ito ng Larry Santiago Productions, starring the late Julie Vega, at naging big hit noong 1978. Tinampukan din ito ng mga malalaking artista tulad nina Fernando Poe Jr, Susan Roces, Dolphy, Ramon Revilla Sr., Vilma Santos, Nora Aunor, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, nag-aalala naman si Krystal na maikumpara at hindi mapantayan ang galing sa pag-arteng ipinamalas ng namayapang si Julie Vega. Kaya naman pinaghandaan niya raw mabuti ang pagganap sa naturang papel.

Kabilang sa paghahanda ni Krystal para sa napaka-challenging na role ng isang bulag ang magsuot ng contact lens. Tinuturuan daw siya ng ama niya kung paano maglakad bilang isang bulag. Pagkagaling daw ng Papa niya sa trabaho ay panay ang practice niya ng paglakad bilang bulag. Tumutulong din ang Mommy Apple niya sa paglalagay ng contact lens dahil noong unang ilagay ito ay natakot daw si Krystal.

Makakasama ni Krystal sa Mga Mata Ni Anghelita sina Marvin Agustin, Mark Herras, Sheryl Cruz, Carmina Villarroel, Paolo Contis, Isabel Oli, Ms. Celia Rodriguez, at iba pa. Si Lucy Torres-Gomez naman ang gaganap na Virgin Mary.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN