Dina Bonnevie and Rosanna Roces work together for the first time


Rosanna Roces (left) and Dina Bonnevie (right), whose feud started when they were still with GMA-7, are slated to work together in a soap opera on ABS-CBN.


Nagkaroon na ng story conference para sa bagong Sine Serye ng ABS-CBN, ang Natutulog Ba Ang Diyos?. Ito ay remake ng pelikulang idinirek ni Lino Brocka sa Seiko Films noong 1988.



Sa pagsasalin nito sa telebisyon, na magsisimula nang mapanood this July, ang mga bidang artista na gaganap sa dating roles nina Gary Valenciano, Lorna Tolentino, at Ricky Davao ay sina Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, at and Jake Cuenca.



Bukod sa tatlo, masasabing powerhouse din ang cast with support like Rosanna Roces, Ronnie Lazaro, Matt Ranillo III, and Dina Bonnevie. Ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal), for the first time ay magsasama sa isang TV series sina Rosanna at Dina.



Sa mga hindi nakakaalam, maituturing na mortal enemies ang dalawa na ang ugat ng away ay halos nagsisimula pa lang sa showbiz si Rosanna noon. Minsan na silang nagkasama sa bakuran ng GMA-7, pero hindi naging posible na magkasama silang dalawa sa isang show.



Balita rin na parehong present sina Osang at Dina sa naganap na story conference. Pero ayon sa source ng PEP, hindi raw nag-usap or nagbatian man lang ang dalawa. Marami tuloy ang nag-iisip na ngayong napapayag na ang mga ito na magkasama sa isang show, posible raw kayang sumunod din ang pagbabati nila while doing the soap opera?



Anyway, although hango sa isang pelikula ang Natutulog Ba ang Diyos?, balitang halos ibang-iba na raw ang magiging approach ng kuwento. With added characters na wala lahat sa movie version nito.

Kung matutuloy nga si Dina sa Sine Serye na ito ng ABS-CBN, posibleng hindi na niya gawin ang napabalitang Sine Novela naman sa GMA-7, ang Kung Mahawi Man ang Ulap. Napabalita rito sa PEP na magbabalik sa Kapuso Network si Dina, ngunit sa bagong development na ito, mukhang mananatiling Kapamilya ang aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN