Bruce Quebral gets the boot, Wendy Valdez stays in "Pinoy Big Brother"


Model Bruce Quebral (right) becomes the latest Pinoy Big Brother evictee, while his girlfriend, Wendy Valdez, gets another extension, in spite of public clamor for her eviction.


Wrong timing yata ang pagbabalik ng exchange Big Brother Slovenia housemate na si Tina Semolic, who is here right now to be part of the grand finals of Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 this Saturday, June 29, sa Araneta Coliseum, dahil si Bruce Quebral ang natanggal in last Tuesday night's eviction. Si Bruce ang naging kapalit ni Tina at siyang nagpunta sa Slovenia.

Bruce followed Nel who was eliminated last Sunday, June 24. May isa na lamang sa natitirang limang housemates ang matatanggal tomorrow night, June 28. The five remaining housemates are Wendy Valdez, Gee-Ann Abrahan, Bea Saw, Mickey Perz, and Bodie Cruz.

Heartbreaking ito sa tinatawag na makabagong Bella Flores, si Wendy na girlfriend ni Bruce sa bahay. Natanggal na noon si Wendy ngunit nakabalik para maipagpatuloy ang kanilang house relationship na nagsimula bago lumipad patungong Slovenia noon si Bruce.

While in the house, balitang nakipag-split na nga si Bruce sa kanyang tunay na girlfriend sa labas ng Bahay ni Kuya to be with Wendy.

Tungkol naman sa Big Bight ng PBB Season Two, magiging unique ang presentation nito. Hindi na raw mahahati ang bahay tulad ng kay Season One winner Nene Tamayo, hindi rin ibababa ng crane tulad ng sa Celebrity Edition winner na si Keanna Reeves, at hindi rin magiging kastilyo with red carpet ang bahay tulad ng sa Teen Edition winner na si Kim Chiu.

Darating ang tatlong first winners ng PBB, pati na rin ang mga evicted housemates this season. Pilit namang binubuo ang iba pang housemates of the other seasons.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN