Richard Gomez and Lucy Torres rumored to judge Bench model search on ABS-CBN


Richard Gomez and Lucy Torres are two of the biggest names on the list of Bench endorsers. The couple is rumored to act as special judges in Bench's model search on ABS-CBN.


Tapos na ang initial audition na ginawa ng ABS-CBN at Bench for its upcoming reality show na maghahanap ng next Bench model. Last audition na noong Biyernes, June 22, sa Studio 9 ng ABS-CBN compound at special audition na ito na ibinigay sa mga talent managers.

The reality show will be telecast on ABS-CBN dahil most of its current models ngayon—like Piolo Pascual, Sam Milby, Kim Chiu, and Gerald Anderson—are Kapamilya stars. Hindi maitatanggi na ang pinaka-signature model ng Bench ay si Richard Gomez, na siyang pinakaunang Bench model at tinawag na the face of Bench. Kaso nga lang, Kapuso si Goma.

Pero napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na baka maging special judges sina Goma at ang asawa nitong si Lucy Torres-Gomez sa model search ng Bench, although no confirmation yet. Ang manager nina Goma at Lucy na si Douglas Quijano ay may special position din sa Bench in terms of promotion.

May special appearance si Lucy bilang Virgin Mary sa magsisimulang Mga Mata Ni Anghelita ng GMA-7. First week of July naman ay magsisimula nang mag-taping si Richard for Marimar nina Marian Rivera and Dingdong Dantes.

Samantala, nakausap namin ang isa pang Bench model na si Richard Gutierrez sa pang-limang birthday party ngayong taon ng kanyang sister na si Ruffa Gutierrez. Tinanong namin siya kung magkakaroon din siya ng participation sa Bench reality show.

Wala raw, dahil sa ABS-CBN nga ito ipalalabas at taga-GMA-7 naman siya. But he gladly lent his face sa mga billboards ng nasabing show na nasa EDSA ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN