Ruffa Gutierrez and mom Annabelle Rama not on speaking terms


"Naloka ako, ‘Day! Tinalak-talakan ako sa The Buzz on air. Sabi ko, ‘Puwede bigyan mo ako ng advise sa likod ng camera? Like, pag nag-uusap tayo sa sala?' I mean, ‘Do you have to tell the whole world ang advise mo sa akin?' And then, ayun, hindi kami nag-uusap dalawang araw na," narrates Ruffa Gutierrez about her "silent war" with mother Annabelle Rama.


Nagagalit pa rin hanggang ngayon si Annabelle Rama sa ginagawang pakikipag-usap ng kanyang anak na si Ruffa Gutierrez sa Turkish husband nitong si Yilmaz Bektas sa telepono.



"Alam mo naman si Mommy, feeling niya, I'm like ten years old. Sabi ko, ‘Mom, I'm 33, for crying out loud! I'm not 13!' And be sure na rin sa age ko ngayon, hindi na rin uso ang mga iniisip niya. I mean, I'm more serious now, you know. Let's be more serious of life. I have two kids and hindi naman basta-basta pabayaan na lang sila. I have to think of them first," pahayag ni Ruffa sa ibinigay na birthday party sa kanya ng Star Studio magazine kagabi, June 26.



Last Sunday, June 24, pagkatapos ng live interview ni Boy Abunda sa mag-ina sa The Buzz ay nagkaroon ng isyu na tinarayan ni Ruffa si Annabelle for saying things na hindi nagustuhan ni Ruffa.



"Naloka ako, ‘Day! Tinalak-talakan ako sa The Buzz on air. Sabi ko, ‘Puwede bigyan mo ako ng advise sa likod ng camera? Like, pag nag-uusap tayo sa sala?' I mean, ‘Do you have to tell the whole world ang advise mo sa akin?' And then, ayun, hindi kami nag-uusap, dalawang araw na," pagkumpirma ni Ruffa.

Hindi man sila nag-uusap ay tine-text naman daw ni Ruffa ang kanyang ina.

"Ayun, so I just said na, you know, she's my Mom naman. I know she means well. Pero I just hope na she trusts me and she believes in me. Kasi nakikita rin naman niya ako minsan na stressed ako pag nag-aaway kami ni Yilmaz," sabi ng bagong co-host ng The Buzz.

Tinawagan ni Yilmaz si Ruffa noong birthday niya, June 24. Wala bang ipinadalang cake man lang si Yilmaz sa kanya?

"Ipinadala niya sa akin eye bags ko!" natatawang sabi niya. "But sana nga, 'yun nga, maging private na lang lahat. He just wanted to say na sana i-clear ko nga. At naloka nga siya sa lumabas sa YES! magazine na nakikipag-date na ako. Sabi niya sa akin, basta no men, no dates, no dinner!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakarating na rin kay Ruffa ang balita na sinisikap ng ilang entertainment press na hanapin ang unang husband niya na si Richard Daloia.

"Sana huwag na nilang hanapin," sabi ni Ruffa. "In the first place, hindi naman interesado ‘yong tao na makipag-usap sa kanila. That's based on the information I've got. Kasi medyo ten years ko na rin yata, or seven years, na hindi siya nakakausap. Sana huwag na nilang ungkatin ang nakaraan.

"Respetuhin din naman nila ang dalawang anak namin [ni Yilmaz] na si Lorin at si Venice. Lumabas na, alam na ng mga tao. Lets' leave it at that. Huwag na nating buksan ang mga skeletons in the past," mariing sabi ni Ruffa bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN