Political intrigue, says Sen. Kiko Pangilinan of rumored marriage woes with Sharon Cuneta


"Dati nga natsismis ako na may boyfriend, tapos may girlfriend naman. Ano ba talaga?" jokes re-elected Senator Kiko Pangilinan about rumors that his marriage with Sharon Cuneta is on the rocks.


Natawa na lang si Senator-elect Francis "Kiko" Pangilinan nang tanungin siya ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa intrigang nagkakaproblema sila ng kanyang maybahay na si Sharon Cuneta sa kanilang pagsasama.

Ayon sa re-elected senator, hindi na raw siya bago sa ganitong klaseng mga intriga. Lumutang ito nang hindi nakarating si Sharon sa proclamation ni Kiko sa PICC.

"I think it's part of the dirty campaign tactics ng ibang tao. Hindi lang naman ako ang naintriga nitong kampanya, I think marami ring politicians ang dumaan diyan," sabi ni Kiko.

Dagdag pa niya, "Dati nga natsismis ako na may boyfriend, tapos may girlfriend naman. Ano ba talaga? Wala namang magandang gawin dito kundi mahalin mo ang asawa mo at paligayahin siya, para makita ng lahat na walang kuwenta ang mga tsismis na ‘yan."

SHARON'S SACRIFICE. Kahit may pamamaga ang kanyang kanang pisngi dahil sa isang infection, nakuha pa ring um-attend ni Sharon ng oathtaking ni Sen. Kiko kahapon, June 26, sa Department of Justice. Nagtuloy rin siya sa victory party ng Team Kiko sa One Esplanade sa Macapagal Avenue.



Noong una'y umikot ang balitang hindi na lalabas si Sharon sa dressing room dahil sa tindi ng maga sa kanyang pisngi. Hindi na nga ito nagpa-interview sa media dahil sa sakit na kanyang nararamdaman.

Pero hindi nabigo ang mga naghihintay nang lumabas siya para pasalamatan ang mga sumuporta sa kanyang asawa.

Kahit hindi maibuka nang masyado ang bibig, naging kuwela at masayahin ang Megastar. Inabot pa nga ng halos isang oras ang kanyang impromptu speech. Hindi niya raw kayang palampasin ang pagkakataon para sa ganoon kaimportanteng okasyon.

KC'S PLANS. Matapos ang graduation ng panganay na anak ni Sharon na si KC Concepcion sa Paris noong Mayo, marami na raw itong mga plano ngayon.

Ayon sa kanyang stepdad na si Kiko, maaaring kumuha si KC ng isa pang language course para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Mayroon ding plano ang dalaga na ipagpatuloy ang kanyang theater course.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nag-advise daw si Senator Kiko na umuwi muna ito sa Maynila para makapagpahinga at makapag-isip.

"Maganda siguro na umuwi muna siya dito para makapagmuni-muni. Sabi ko, dapat tingnan niya muna kung ano ang mga trends ngayon. Iba kasi 'yung nag-aral ka sa ibang bansa nang matagal," pahayag ng senador.

"I think that's a personal question and I think only KC can answer that," sagot naman ni Kiko nang tanungin tungkol sa lovelife ng panganay ni Sharon.

Hindi naman maitago ni Kiko ang saya at kung gaano siya ka-proud nang um-attend sila ng graduation ni KC sa Paris.

Kahit wala naman si KC kagabi sa victory party, nagpadala ito ng video file para batiin ang kanyang stepfather at ang mga sumuporta rito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN