Rosanna Roces directly asks Uma Khouny if he is bisexual


Rosanna Roces (right) and Uma Khouny (left) met for the first time yesterday in a radio program. The two celebrities known for their tactlessness interviewed each other and joked about being bisexual.


Nagkaharap kahapon, June 27, ang dalawang kilalang taklesa sa showbiz: ang kontrobersiyal na aktres na si Rosanna Roces at ang Pinoy Big Brother ex-housemate na si Uma Khouny.

Guest kasi si Uma, kasama sina Amy Perez, Kat de Castro, at Jeffrey Tam, sa radio program na Showbiz Mismo sa DZMM kahapon, June 27. Maya-maya ay napalingon si Amy sa bandang likod ng booth kung saan sila nakaupo sabay sabi ng, "Uy, ang gandang babae naman nitong dumadaan!"

It turned out na si Rosanna pala ang dumaan. She was on her way sa guesting naman niya para sa isang episode ng Homeboy ni Boy Abunda.

Nagpaunlak si Osang na pumasok muna sa booth nang yayain siya ng host ng radio program. Tiyempo naman na ang bakanteng upuan ay nasa tabi ni Uma kaya dun naupo ang dating sexy actress.

Pagkakita ni Osang kay Uma, napabulalas ito ng, "Uy, nakita rin kita!" Ito yata kasi ang unang pagkakataon na nakaharap ni Osang nang personal si Uma.

After nito ay buong-ningning na sinabi ni Osang na crush niya dati si Uma. Dahil dito, hinayaan ng mga hosts na mag-interbyuhan ang dalawa.

Nang tanungin ni Uma kung bakit hindi na siya crush ngayon ni Osang, ang sagot ng aktres ay dahil sa Bible na raw kasi lagi nakatutok ang atensiyon niya. Halatang flattered naman si Uma nang nalamang crush siya dati ni Osang.

Nang magsimula nang magpa-cute si Uma sa aktres, walang prenong tinanong ni Osang si Uma kung bisexual ba ito. Sagot naman ni Uma, "Hindi!"

"Naku, paano ‘yan, bi ako!" ang pakli ni Osang.

Game na game namang sumagot si Uma ng, "Okay lang kahit tatlo tayo. Dalawa kayong babae."

Halatang naniwala si Uma sa biro ni Rosanna na bisexual nga ang aktres. Nang seryoso nitong tanungin si Osang kung bisexual nga ito, sumagot si Osang na hindi. Nagbibiro lamang daw siya at ang ibig niya raw talagang sabihin ay Bible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi pa ni Osang na kapag ikinulong sila ni Uma sa loob ng isang kuwarto na silang dalawa lamang, babasahan niya ng Bible si Uma bilang pagsisimula ng mas lalo pa nilang pagkakakilala.

Since sa religion ngayon ang konsentrasyon ni Rosanna, tinanong ni Uma ang aktres kung hindi ba nito pinagsisihan ang mga hindi magagandang nagawa nito sa buhay niya in the past. Ang sagot ni Rosanna, ang lahat ng mga ginagawa natin in the past, hindi pinagsisisihan ‘yon kundi tsine-cherish.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN