Jericho Rosales and Heart Evangelista on Cindy Kurleto: No comment


Heart Evangelista (right) says, "I have no comment about Cindy. I don't want to be associated with her anymore," about her boyfriend (middle) Jericho Rosales's ex-girlfriend Cindy Kurleto (left).


Hiningan ng reaksiyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang magkasintahang sina Jericho Rosales at Heart Evangelista tungkol sa sinabi ng ex-girlfriend ng young actor na si Cindy Kurleto sa panayam namin sa kanya kamakailan.

Ayon kay Cindy, gusto na niyang buksan ang pinto ng pakikipagkaibigan kay Jericho at bagay raw ang young actor at ang girlfriend nitong si Heart.

Noong una ay ayaw sanang magbigay ng kahit anong pahayag si Jericho, pero dahil sa paulit-ulit naming pagtatanong sa kanya ay nagsalita rin siya.



"Mabait akong tao, wala akong problema. Peace to everyone, God bless and all the best for her, that's all I can say," sabi ni Jericho, na halatang iniiwasan pa ring magbigay ng komento sa pahayag ng kanyang ex-girlfriend.

Sa sinabi naman ni Cindy na bagay ang isang tunay na Pinoy na gaya niya sa isang Pinay na tulad ni Heart, aminado si Jericho na nawi-weirduhan siya sa statement na ito ng ex.



"Well, thank you. Sabi niya kasi dati showbiz kami, it's weird na sinabi niya na bagay kami," sabi niya.

Nang si Heart naman ang tanungin tungkol kay Cindy, ito ang naging tugon niya: "I have no comment about Cindy. I don't want to be associated with her anymore."

Sa sabay na pananahimk ng career nina Jericho at Heart noon, marami ang nagsasabi na jinx sila sa isa't isa, kaya't parang hirap silang umangat at mailap ang mga magagandang proyekto sa kanila.



"Wala namang jinx," paniniwala ni Jericho. "I can say na nakatulong nga kami sa isa't isa when it comes to character building, decisions in career, understanding our work, our talents. Sabay kaming nagpahinga. Nakita namin 'yung buhay na ginagalawan namin, and now we're back. We want to work again and God is providing work for us again. I'm happy for Heart because full throttle na uli kaming dalawa. She's gonna work for another show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I don't believe in jinx, kahit naririnig ko ‘yon na sinasabi sa ibang artista, paano sila magiging jinx? Maybe many people are putting them down, so imposible na mayroong jinx. Bakit naman siya magiging jinx sa akin or ako sa kanya, e, masipag naman kaming magtrabaho?" paliwanag ng young actor.

Ito rin ang paniniwala ni Heart tungkol sa isyung jinx sila sa isa't isa ni Jericho.

"I don't believe in jinx," mariing sabi ni Heart. "I'm a Born Again [Christian], there's no such thing as jinx, although there's such thing as curse. Pero wala naman kaming ginawang masama, wala kaming anything ni Echo. In fact, he won Best Actor and me naman after Hiram na Mukha, I have a new show in ABS. It's secret muna, pero mabubulaga kayo."

Tanggap na ba ng pamilya ni Heart si Jericho, lalo pa't ang young actor ang itinuturong dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa raw okay ang young actress at ang pamilya niya?



"Okay naman sila," paglilinaw ni Heart. "Yung fight naman ng parents ko is not about Jericho, it's about me and being independent. Hindi si Jericho ang dapat pupunta sa kanila, ako ang pupunta dahil kami ang nagkagulo. Definitely, it's not about him. Right now, I am starting talking with my Dad and Mom, and 'yun ang importante sa akin."

Si Jericho ay sunod na mapapanood sa musical soap opera na Pangarap Na Bituin, kung saan makakatambal niya si Sarah Geronimo. Si Heart naman ay may panibagong show pagkatapos ng Hiram Na Mukha.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN