No formal split-up between Paolo Contis and Isabel Oli


"Noong kami, dapat kailangan pumunta ako sa bahay niya para bisitahin siya. Ngayon, ako na talaga ang may gustong pumunta sa bahay niya kasi gusto ko siyang bisitahin. Ako na ang nangungulit sa kanya, ‘Hoy punta ako sa inyo ha,'" says Paolo Contis about his relationship with Isabel Oli.


"Mas magaan ang relationship namin ngayong wala nang commitment," explanation ni Paolo Contis sa current set-up nila ni Isabel Oli.

Consistent pareho sina Paolo at Isabel sa pag-explain kung ano at nasaan ngayon ang relasyon nila.

The two first worked together sa Sugo ni Richard Gutierrez ngunit hindi sila magkatambal. Sa second project nila together, Love to Love's "Like Mother Like Daughters" episode, hindi pa rin sila ang magkatambal. Halos ending lang naman ng Atlantika, their third project, sila nagkasama.

It was during their Sugo days na nabuo ang kanilang relasyon ngunit sinikreto muna ito sa parents ni Isabel, who are Singapore-based.

Later on, inamin na rin nila ang kanilang relasyon ngunit hindi naglaon, nag-split agad sila. Hindi lack of time ang naging dahilan ng dalawa—the cause of split-up of several relationships the past year, including Angel Locsin and Oyo Sotto, Ara Mina and Polo Ravales, and LJ Reyes and Alfred Vargas—kundi, suprisingly, because of their commitment to their common faith.

Naging Christian si Paolo dahil kay Isabel and they are now worshipping in the same place. Mas naging committed si Paolo sa kanyang faith and was even touted to go to Russia for a mission, hindi lang natuloy dahil pumasok ang Fantastic Man niya.

Cool-off ang tinawag nila sa kanilang paghihiwalay noon dahil hindi naman daw huminto ang communication nila. Umalis patungong Singapore si Isabel together with her whole family after maoperahan ang kanyang ama sa Pilipinas. Dapat sana'y susunod si Paolo, pero hindi niya ginawa.

Nang bumalik si Isabel sa Pilipinas, si Paolo ang sumundo sa kanya. Kinagabihan, nag-movie date na rin sila.

Ngayon, magkasama muli sina Paolo at Isabel sa Mga Mata Ni Anghelita.

Sa press con ng nasabing soap ng GMA-7 last Monday, June 25, sa Annabel's restaurant, wala pa ring mapiga ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dalawa kung may nagbago na sa status nila, although Paolo admits this is a better set-up for them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko namang tawaging reconciliation dahil hindi naman kami nag-split up formally," pauna niya. "Ayoko ring kami na nga ulit, pero parang ganoon na rin, wala lang committment. Nakaka-pressure naman kasi talaga ang commitment.

"Noong kami, dapat kailangan pumunta ako sa bahay niya para bisitahin siya. Ngayon, ako na talaga ang may gustong pumunta sa bahay niya kasi gusto ko siyang bisitahin. Ako na ang nangungulit sa kanya, ‘Hoy punta ako sa inyo ha.'

"Wala naman akong dini-date na iba. Wala rin siya," sabi ni Paolo.

Naitanong namin kay Paolo kung hindi pa ba siya handang lumagay sa tahimik. Saka na raw, nag-iipon pa siya ng pambili ng bahay.

Na-mention namin kay Paolo na noong sila ni Nancy Castiglione, ang pagkakatanda namin, after he gave an engagement ring to her, nagsimula na rin siyang mag-ipon ng pambili ng bahay at nakabili na nga ng lupa.

"Nag-iipon pa ulit!" patawa ni Paolo. "May lupa na, bahay naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN