PBB evictee Bruce Quebral defends Wendy Valdez against hate mail


"Sa mga negative na comments naman sa kanya, nirerespeto ko pa rin‘yon at hindi ko naman maku-control kung anuman ang gusto nilangsabihin about her. Opinion nila ‘yon. 'Yun siya, e. Ako ang nakasama niWendy sa loob ng bahay kaya alam ko kung ano o sino siya," Bruce Quebral defends Wendy Valdez.


Tatlong reasons ang ibinigay ng Pinoy Big Brother Season 2 evictee na si Bruce Quebral kung bakit sa lahat ng housemates sa loob ng Bahay ni Kuya ay si Wendy Valdez ang itinatangi niya at kulang na lang ay iharap niya sa altar:



1. Totoo sa sarili niya si Wendy. Kung ano raw ang nasa puso ni Wendy ay siya nitong sinasabi. Kahit na raw may tendency itong maging emotional, natutunan din naman daw nitong mag-adjust at magbago at humingi ng tawad sa lahat ng mga taong nakabangga niya sa loob ng bahay ni Kuya;

2. Maaasahan daw sa lahat ng tasks at nagpakita ito ng pagiging versatile niya;

3. "She's fun!"

According to Bruce, mga katangian daw ito ni Wendy na sa halip na maka-turn off sa kanya ay lalo pang nagpalapit sa puso niya. Kaya kahit na ano raw ang mangyari, ang wish ni Bruce ay hindi si Wendy ang ma-evict mamayang gabi sa last PBB Eviction Night, at manatili pa rin itong makasama sa Big Four, kundi man tanghaling Big Winner.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bruce kaninang hapon, June 27, sa ELJ Building ng ABS-CBN. Ayon sa model, hindi raw siya nababalisa sa sangkaterbang hate mail kay Wendy na natanggap na rin ng karamihan ng entertainment press.



"Sinabi lang sa akin na meron ngang mga hate mails about Wendy," sabi ni Bruce. "Pero siya lang ang puwedeng makapag-defend sa sarili niya as far as mga issues are concerned. Ang sa akin, sa loob ng may four months or 120 days or so times na nakasama ko siya sa loob ng bahay, I would say na naging sobrang totoo niya kaya hindi maiaalis kung ganito ang maging pakiramdam ko sa kanya.



"Sa mga negative na comments naman sa kanya, nirerespeto ko pa rin ‘yon at hindi ko naman maku-control kung anuman ang gusto nilang sabihin about her. Opinion nila ‘yon. 'Yun siya, e. Ako ang nakasama ni Wendy sa loob ng bahay kaya alam ko kung ano o sino siya," pagtatanggol pa ng binata kay Wendy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nabanggit din ni Bruce na kung meron daw sigurong pagkakataon ngayon para pakasalan niya si Wendy ay dalawang kamay niya raw itong tatanggapin.



"Ang in-admire ko po talaga sa kanya, e, yung relationship niya o pagtingin niya with her parents. Alam naman nating lahat na iniwan sila ng Dad niya and her Mom naman, hindi rin maganda ang relationship niya. But in spite of that, pagpapatawad pa rin ang isinukli niya sa mga ito.

"Kaya nga siguro marami rin ang nagwa-wonder, as far as the text votes she is getting now, kung bakit marami ang nagpapakita at nagpaparamdam ng suporta sa kanya. Grabe siyang magpahalaga sa pamilya niya. Na kahit hindi nga naging maganda, hindi siya nawalan ng pagmamahal sa kanila.



"And kung ako ang mag-aasawa, isa ‘yon sa mga traits na gusto ko sa babaeng pakakasalan ko. Na more than anything, maging importante sa kanya ang pamilya niya," mahabang paliwanag ni Bruce.



Pero marami pa rin ang hindi makapaniwala na sa napakaikling panahon, kaya na raw sabihin ni Bruce na posibleng si Wendy na ang mapangasawa niya in the days to come.



"Marami naman akong napatunayan," sabi ni Bruce. "Although we know na kailangan pa rin naming mas makilala ang isa't isa, lalo na pagkatapos ng PBB. I want her to win. I want her to be the Big Winner!"



Nag-usap na ba sila sa magiging plano nila after lumabas ni Wendy sa Bahay ni Kuya, talunan man o panalo?

"May mga bagay na kailangan naming pag-usapan pagkatapos ng lahat ng ito. Pero in the meantime, I am asking for the support of everyone na suportahan pa rin si Wendy to become the Big Winner. Because gaya ng mga sinabi ko, she deserves to win," apila pa ng binata na halatang in love na in love kay Wendy.



Sa mga kokontra pa raw sa mga botong nakukuha ni Wendy, kaya raw patunayan ni Bruce na walang katotohanan ang mga ipinaratang ng sambayanan sa mahal niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kung si Bruce daw kaya ang itinanghal na Big Winner, ise-share kaya niya kay Wendy ang premyo niya? Or ganito rin daw kaya ang gagawin ni Wendy kung ito nga ang tanghaling Big Winner? May ganito ba silang usapan?



"Wala kaming ganoong usapan," ani Bruce. "At saka, hindi kami kailangang mag-share o magbigay ng napanalunan namin sa isa't isa. Hindi pa naman kami mag-asawa. Ang priority ko, the reason why I wanna win sana, e, para matulungan ko ang pamilya ko. Kaya kung ako ‘yon, pamilya ko ang iko-consider ko."



Dagdag pa niya, "It's not about the money. Kung ako ang nanalo, hindi ko siya bibigyan ng pera pero ise-share ko ‘yon sa kanya after ko mabigyan ang pamilya ko. Meron din akong ii-spend para sa aming dalawa. We'll spend it together. And kung may plano siyang ganoon, I'll tell you when it happens."



Kahit na paulit-ulit na sa pag-profess niya ng pagmamahal kay Wendy, iisa ang tanong ng mga kaharap niya nang hapong ‘yon: Ano kaya ang ipinakain sa kanya ni Wendy sa loob ng bahay?



"Wala siyang kinailangang ipakain sa akin!" mariing sagot ni Bruce.



"I love her!" ang huling nasabi ng binata para kay Wendy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN