Co-stars Mark Herras and Patrick Garcia avoid talking about Jennylyn Mercado


"Walang problema sa amin ni Patrick. Nag-uusap kami. 'Yun nga lang, walang gustong magtanong ng tungkol kay Jen. Respeto na lang siguro sa isa't isa," says Mark Herras (left) about his working relationship with Fantastic Man co-star Patrick Garcia (right).


Dumalaw muli ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng fantaserye ng GMA-7 na Fantastic Man upang obserbahan ang working atmosphere habang magkasama sa set sina Mark Herras at Patrick Garcia. Kontrobersiyal ang dalawa dahil kay Jennylyn Mercado—ex-boyfriend ni Jen si Mark at present bf naman ng young actress si Patrick.



"Walang problema sa amin ni Patrick," sabi ni Mark. "Nag-uusap kami. Yun nga lang, walang gustong magtanong ng tungkol kay Jen. Respeto na lang siguro sa isa't isa. We're fine."



Casual topics daw ang kadalasang napapag-usapan ng dalawa, may kinalaman lang sa trabaho. Hindi pa naman daw sila nagkakaroon ng time ni Patrick para mag-usap nang husto.



"Pero start na rin 'yan, kasi walang dahilan para mag-iwasan kami ni Patrick," sabi ni Mark. "It's more on kumustahan, nothing much on personal matters. Pero pareho kaming hindi na lang nagbabanggit tungkol kay Jen. Dapat lang sigurong asahan 'yon.



"Mas [gentlemanly] kung ganun na lang. Hindi rin ako magtatangka na sabihin kay Patrick na alagaan niya si Jen, ngayong siya na ang boyfriend. I mean, hindi na ako kailangang magsalita pa ng ganoon. Respetuhan lang talaga. Hindi ko rin nga kailangan mag-comment," nangingiting sabi pa ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor.



Kung sila naman daw ni Jen ang magkasama, lalo na't nagpu-promote sila ng horror flick na Tiyanaks, aminado si Mark na parang naiilang na siya.



"Sa movie, may kissing scene kami. Nang kunan 'yon, naisip ko rin na sila na ni Patrick. Parang nakakailang na. But more than that, okay rin lang kami. We can work professionally. At matagal na rin kasing tapos yung relationship namin.



"Sila na ni Patrick, kaya pabayaan na lang natin sila," tila pakiusap ng young actor sa mga nang-iintriga.



Makikita naman kay Mark na hindi na siya masyadong interesado pa sa topics na may kinalaman kay Jennylyn. Kaya tuloy naitanong namin kung may pinopormahan ba siyang iba ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nababanggit nga si Lian [Paz of EB Babes], di ba? Naku, kahit naman yata sino, inili-link na nila sa akin!" natatawa niyang sabi.



"Close din kami ni Pauleen [Luna], pero never talagang nagkaroon kami ng relationship. Wala talaga," sabi pa ni Mark.



Nadadawit din ang pangalan ni Mark sa pag-i-split nina Rufa Mae Quinto at Erik Santos.



"Balewala naman sa akin 'yan!" natatawang sabi ni Mark. "Hindi naman ako dapat madamay talaga diyan. Close lang kami ni Peachy [palayaw ni Rufa Mae] at nagkakatuwaan palagi sa set ng Bubble Gang.



"Hindi ko rin naiisip na nagagamit ako sa isyu. Kalmado lang ako. It happens. Sanay na ako."



Ang latest na inili-link sa kanya ay si Alynna Asistio, anak ng dating mayor ng Caloocan City na si Boy Asistio at ng dating aktres na si Nadia Montenegro.



"Magkasama kami ni Yna sa Mga Mata ni Anghelita' It's just natural na nagkakausap kami doon at nagkikita. Actually, nag-iingat din ako dahil kinse anyos lang 'yung bata. I'm already 20, at kailangan ko siyang protektahan

.

"Hindi maganda kung mali-link ako sa kanya. Kaya kung minsan, umiiwas din talaga ako. Ayokong masyadong nakikita ng ibang nagkakausap kami ng matagal dahil alam kong pagmumulan 'yon ng intriga.



"Ngayon nga, naiintriga na kami. Paano pa kaya kung talagang nakikita ng mga tao sa set na close kami?" napapailing na sabi ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN