Ruffa Gutierrez asks media to leave ex-husband alone


"Sana naman, huwag na nating halungkatin pa 'yung nakaraan. Huwag na nating buhayin pa 'yung matagal nang patay katulad ng mga nangyari sa Las Vegas, katulad ng mga ex ko. Huwag na natin silang buhayin!" pleads Ruffa Gutierrez.


Nag-react si Ruffa Gutierrez sa July 2007 issue ng YES! Magazine. May article kasi sa bagong labas na issue ng YES! about Ruffa's short-lived romance kay Richard Daloia, ang lalaking pinakasalan niya sa Las Vegas, Nevada noong January 18, 1999.

Nahagilap kasi ng staff writer ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang hinihinalang Richard Daloia na unang pinakasalan ni Ruffa, natawagan sa numero nito sa Amerika at nakausap sa telepono. Doon nag-react si Ruffa.

"Kaninang umaga, magkausap kami ni Yilmaz [Bektas, her Turkish husband na nakaaway at hiniwalayan niya recently] and we had a good discussion. He called me at five in the morning," umpisang kuwento ni Ruffa sa PEP last Tuesday night, June 26, sa post-birthday dinner given to her by Star Studio magazine sa Florabel resto sa Podium.

"Let's make it clear that Yilmaz and I had seven years together. Some were beautiful, some were memorable, some were traumatic. But those seven years produced Lorin and Venice.

"So, sana naman, huwag na nating halungkatin pa 'yung nakaraan. Huwag na nating buhayin pa 'yung matagal nang patay katulad ng mga nangyari sa Las Vegas, katulad ng mga ex ko. Huwag na natin silang buhayin!

"Parang respeto na lang natin kay Yilmaz, respeto na lang natin sa mga anak ko. You know, huwag n'yo nang hagilapin 'yung mga nakalimutan na sa mundong ito! Let's just stick with the present and look towards the future. Anyway, lumabas na, e! We just came out with the truth. So, huwag naman sana nating hunting-in 'yung mga tao.

"Especially because they're private individuals. Nananahimik na, may kanya-kanya na kaming pamilya. Huwag nang hanapin o i-research at i-harass-harass pa," mariing bulalas ni Ruffa.

So, ibig sabihin ay hindi niya nagustuhan ang pagiging resourceful ng YES! magazine at PEP?

"Hindi naman sa hindi ko type," paglilinaw ng actress-TV host. "But I mean, the thing is, everybody's curious. But ten years ago, nobody was curious. So, why are they gonna be curious now?!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag namin sa kanya, natural lang na maraming curious ngayon about it dahil ngayon lang ito lumabas in public. Isa pa ay naging isang malaking isyu ang lihim niyang pagpapakasal na ‘yon.

"Yeah, but ‘yon nga, sana ang pakiusap ni Yilmaz, isarado na natin 'yung topic na ganon kasi it hurts him also," sagot naman ni Ruffa.

"And siyempre, Yilmaz has made mistakes and I think he knows he's made a lot of mistakes by being too angry, by being too emotional. Nagsasalita siya sa press. At least ngayon, in fairness, natututo na siyang mag-no comment!" natatawang sabi ni Ruffa.

Does it mean madalas na naman silang nag-uusap ni Yilmaz after her birthday?

"Hindi, there were times na hindi kami nag-uusap," sagot niya. "Nag-usap lang ulit kami kanina dahil sa lumabas sa YES! magazine! Nalokah siya! Alam niya kaagad. Ako nga, hindi ko alam, ‘no! Ewan ko kung sinong mga nagti-text sa kanya or something!"

Kuwento pa ni Ruffa, napag-usapan nila ni Yilmaz na unti-unti silang magmu-move on, pero hindi nila mamadaliin ang isa't isa.

"Sabi niya sa akin, ‘Can you please tell all the people to stop asking you kung kailan ka mai-in love, kung kailan ka makikipag-dinner date, kung kailan ka lalabas at kailan mo ako papalitan? Because that's not gonna happen! Can you allow me to go first?'" kuwento ni Ruffa.

So, 'yun ang usapan nilang dalawa? Si Yilmaz ang mauunang magkaroon ng new love bago siya?

"Yeah, we just have to be discreet, you know! I mean, whatever it is that you wanna do in your personal life, obviously, we both have our own lives. We're both young. But just be careful how you go out in public. 'Yun lang naman 'yun, e, di ba?"

But definitely, si Yilmaz ang dapat maunang magkaroon ng bagong mamahalin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka meron na nga, ‘no!" tili ni Ruffa nang nakataas ang kilay, sabay ismid sa amin.

Samantala, napagkasunduan din daw nila ni Yilmaz na sa poder niya ang dalawang anak nilang sina Lorin and Venice.

"The kids will be with me," ani Ruffa. "If he wants to visit, he can visit. I mean, he hasn't come. So, like I said, anytime, he's welcome to come naman. Wala namang problema roon."

Pagdating sa financial support from Yilmaz ay tila hindi interesado si Ruffa. She's proud to say na kaya niyang buhayin ang dalawang anak niya on her own, sakaling wala nang balak magbigay ng anumang suporta ang Turkish dad nina Lorin at Venice.

"Alam mo, para sa akin, I don't need any of his financial help. I mean, just my contract with ABS-CBN is already enough," pagmamalaki niya sa PEP.

"I mean, of course, obligasyon niya talaga bilang tatay na suportahan ang mga anak niya, like pay for their education and all these things. For as long as he's alive, dapat suportahan niya 'yung mga anak niya.

"But now, he's angry, he's emotional. Sabi niya, huwag na raw akong magtrabaho and he'll give me a lot of money for the rest of my life.

"But I'm an independent woman. I think the most beautiful things in life, money can't buy. But like I said, may responsibility si Yilmaz sa mga anak ko," pahayag ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN