Toni Gonzaga defends "Pinoy Big Brother"


Pinoy Big Brother (PBB) host Toni Gonzaga admits she also gets affected by the issues faced by the reality show. She says, "Kahit noong Season One, laging nangyayari na ia-approach ako ng mga tao, like, 'Bakit ganun?' There were times na even the people, 'yong mga fans na ng mga housemates, galit na sa akin because of my voice-over."


"I think nasagot na ni Direk Lauren every single allegation na ibinabato sa show," pahayag ni Toni Gonzaga, main host ng Pinoy Big Brother (PBB), nang tanungin siya tungkol sa kontrobersiyang ipinupukol ngayon sa programa, sa press conference kahapon, June 28, sa 9501 restaurant para sa kanyang bagong album.

Matatandaan na nitong mga nakaraang araw, sari-saring opinyon ang kumalat sa mga forum sa Internet simula nang mapaalis si Nel Rapiz noong Sabado, June 23. Marami ang umalma sa sinasabing resulta diumano ng botohan dahil mas maraming naman daw tao ang ayaw kay Wendy Valdez.

Noong June 27, sa primetime ng PBB, nagpaunlak ng interview ang direktor ng show na si Lauren Dyogi at ang head ng ABS-CBN Interactive, Inc. na si Paolo Pineda upang ipaliwanag ang proseso ng pagta-tally ng botohan para sa PBB.

Para kay Toni ay nasagot na lahat ng isyu noong gabing iyon. "If you were able to catch the episode last night [June 27], I did an interview with Direk Lauren [Dyogi] and the head of the [ABS-CBN] Interactive. They really explained everything.

"It's already up to the people if they would believe what they heard last night or not. Pero as long as we know the truth and we know na there's nothing really going on inside—there's no manipulation, there are no pagduduktor ng votes, and whatsoever—we're gonna go on with the show."

Ayon pa kay Toni, hindi raw sila magpapaapekto sa mga reaksiyong tulad nito. Bagkus ay pagbubutihan pa nila ang kanilang ginagawa.

Aniya, "Just like what he [Direk Lauren] said, good or bad reactions, as long as we're getting reactions from the people, I think that's enough reason to go on with the show and do better. Kasi people are affected sa napapanood nila."

Samantala, nilinaw naman ni Toni na walang ibang nakakaalam kung sino ang mae-evict sa bahay bukod sa kanya at isang writer. "They can see kapag eviction night, it's just me and one writer and nakakaalam kung sino 'yong mae-evict. Sometimes, ako rin, nagugulat ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit ang mismong direktor diumano ay walang kamalay-malay kung sino ang tatanggalin sa tuwing Eviction Night. "Direk Lauren, for that matter, he doesn't know. He doesn't have any idea who will be evicted that night up until i-announce ko lang. He also doesn't know anything, nagugulat din siya. Actually, when I announced the name of Nel, everyone was shocked. I mean, tumahimik sa buong eviction hall."

BIG WINNER. Tulad nang napabalita na dito sa PEP , sinabi ni Toni na mas gugustuhin niya na lalaki ang maging big winner ngayong season.

"Gusto ko naman lalaki kasi if you will look back sa mga ibang Pinoy Big Brother, tatlong babae na 'yong nananalo—Nene [Tamayo-Plamio], Kim [Chiu], and Keanna [Reeves]—sana naman lalaki [this time]," paliwanag ng singer-host. Sa ngayon ay tanging si Mickey Perz na lang ang natitirang male housemate.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN