Cristine Reyes says yes to FHM


After years of courting, young sexy actress Cristine Reyes finally says "yes" to the country's leading men's magazine, FHM.


Sa mga naunang panayam ni Cristine Reyes sa GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal), ayaw pa niyang sabihin kung anong men's magazine siya unang magpo-pose ng sexy. Isang malaking sorpresa na lang daw para sa kanyang mga tagasubaybay ito.

Pero nang makausap ng GMA News at PEP ang isang reliable source, sinabi nitong FHM daw ang pinili ng nakababatang kapatid ni Ara Mina. Naging mahirap daw ang desisyon ni Cristine dahil ibang usapan na ang pag-pose ng sexy sa isang magazine.

May ilang unconfirmed reports pa kaming natanggap na inikayan pa raw ni Cristine ang desisyon. Makailang ulit daw siyang nakipag-debate sa GMA Artist Center para huwag nang tanggapin ang proyekto.

"Natatakot kasi nang sobra si Cristine. Iba kasi ang first time na magpapa-sexy. Nung una ayaw niyang pumayag talaga. Hindi pa yata siya ganoon ka-confident sa kanyang katawan. Pero hindi niya alam na talagang seksing-seksi na siya," sabi ng aming source.

Nakatakda raw mag-shoot si Cristine for FHM sa unang linggo ng July. Ayaw na raw niya ng beach o dagat ang location. Masyado na raw palasak sa mga nagpapa-sexy ang lokasyong ito.

Dagdag pa ng aming source, kundi raw forest ay sa gilid ng isang magandang waterfalls ang gusto ni Cristine na maging location.

Nag-compromise na rin daw si Cristine sa isang local setting dahil naintindihan daw ng dalaga na may kataasan ang budget kung pupunta pa sa ibang bansa. Matatandaang sa Miami Beach, Florida, ang napupusuang location ni Cristine noon.

At press time ay hindi pa rin kinukumpirma o itinatanggi ni Cristine ang katotohanan sa desisyong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN