Ryza Cenon gets her biggest break as Fantastic Girl


Young actress Ryza Cenon plays Fantastic Girl in Fantastic Man's Book 2. She is paired with Mark Herras, who was once linked romantically with her.


Pagkatapos tanghaling Ultimate Female Survivor sa StarStruck 2 si Ryza Cenon, dalawang batch na ng StarStruck ang sumunod. Bagama't may mga nagsasabi na napag-iiwanan na si Ryza, hindi naman siya pinanghihinaan ng loob pagdating sa kanyang showbiz career.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ryza, sinabi nitong naniniwala siyang unti-unti na rin siyang nabibigyan ng break ng GMA-7. Naramdaman niya raw ito lalo na sa fantaserye na Fantastic Man, kung saan isa sa mga dream role ang ginagampanan niya—si Fantastic Girl.

Sa Book 2 ng Fantastic Man, imbes na si Jackie Rice ay si Ryza ang siyang ginawang leading lady ni Mark Herras.

"Siguro nga po, ngayon ako nabibigyan ng chance. Kasi po, aminado naman po ako na noong una, masyado pa pong hilaw 'yung acting ko. Siyempre, baguhan lang. Tapos uma-attend ako ng mga workshops. Nang pumasok po ako sa Fantastic Man, ang plano naman po talaga, si Jackie...



"Tapos, nagkaroon ng twist. Biglaan din po kasi 'yung pagbibigay sa akin ng Fantastic Girl. Originally po kasi, ako lang po talaga dapat ang best friend ni Mark dito," paliwanag ni Ryza.



Nangiti lang si Ryza at sinabing, "Hindi ko na po alam," nang tanungin kung ang dahilan kaya pinalitan niya si Jackie ay naging pasaway na naman ang huli.

Ano naman ang nararamdaman ni Ryza kapag sinasabing among all four batches of StarStruck, 'yung batch nila ang tila walang masyadong umangat or nag-shine ang career?



"Okay lang po," sagot ng young actress. "Kasi ako naman po, hindi naman po kasi ako inggitera. Hindi naman po ako ganoon. Kung saan po ako masaya, proud naman po akong ipakita sa kanila ‘yon. At saka, pana-panahon naman po ‘yan.



"'Yung lola ko, siya po ‘yung parang ‘O bakit si ganyan meron ganyan, si ganito meron ganito? Bakit ikaw wala?' Kaya ako po, ang sinasabi ko na lang sa kanya, hayaan n'yo na siya. Meron naman ako, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Positive ang outlook ni Ryza sa buhay kaya kahit kailan, hindi siya nagrereklamo.



"Mahirap na po kasi, baka maging negative pa ang tingin sa akin kapag sinabi ko 'yun, e. Kahit po 'yung sinasabing lumipat na lang ng ibang network, 'yun po ang never kong gagawin. Kasi meron naman po akong utang na loob sa GMA. Kung sakali man po na wala na silang maibigay sa akin, mag-aaral na lang ako, pero hindi ako lilipat," pahayag ni Ryza.

Minsan na raw nakatanggap si Ryza ng negative reactions mula sa mga fans ng loveteam noon nina Mark at Jennylyn Mercado nang ma-link si Ryza kay Mark. Kaya ngayong sila ang magka-partner sa Fantastic Man, in a way, ine-expect na rin niya na may susulpot at susulpot pa rin na intriga.



"Expected ko na po yun. Noong una pa lang, 'yun na po ang mga sinasabi ko sa interview, na sana, kung anuman ang nangyari before, tanggapin nila kung anuman ang mangyayari sa show na ito.



"Sa ngayon, wala na naman po akong natatanggap na negative. At saka, masaya na naman po si Jennylyn [kay Patrick Garcia]. Okay na rin naman po kaming dalawa at wala pong plastikan yun."



Binigyang-linaw rin ni Ryza na bagama't naging mainit ang intriga sa pagitan nilang tatlo noon nina Mark at Jen, hindi raw talaga umabot sa puntong niligawan siya ni Mark or naging sila na.



"Kami ni Mark naman, simula pa noon, para kaming magkapatid," sabi ni Ryza. "Away-bati. Para kaming aso't pusa sa set, pero ganoon lang po. Misinterpreted lang po talaga ng iba.



"Hindi po talaga siya nanligaw or naging kami. Talagang malambing lang po si Mark sa lahat. At saka, mas lalo pa po siguro ngayon, mas nagpo-focus na lang po siya sa work. Ayaw na niyang ma-isyu. Pareho lang po kami na natatakot ng ma-issue."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pero ano ang masasabi ni Ryza na very vocal si Mark sa pagtatanggol sa kanya? Na naawa raw itong talaga sa kanya na sa isyu nila noon ni Jennylyn, masyado siyang na-misjudge ng mga tao?



"Nagpapasalamat ako kay Mark kasi hindi niya ako pinabayaan. Kung ibang lalaki ‘yon, dedeadmahin na lang at pagkatapos, ide-deny ka pa. So, iba talaga ang ugali ni Mark sa lahat. Mabait po talaga si Mark."



Never pa raw nagkaroon ng boyfriend na taga-showbiz si Ryza. May wall raw kasi siya pagdating sa mga showbiz guys.



"Siguro po, takot po kasi ako," paliwanag niya. "Kumbaga, kapag usap, usap lang. Pero kapag napapansin ko na sa iba na napupunta, nagsusungit na ako. Ang dami ko pong naririnig na kapag showbiz po, bihira po 'yung stable. Kahit nga po mag-asawa na, sobrang napaka-unstable pa.



"Mas gusto ko po ng non-showbiz. Kasi po, kapag showbiz, mas maraming temptations. So, nakakatakot din. Pero ngayon po, kahit showbiz or non-showbiz, wala naman pong nanliligaw sa akin.



"Hindi naman po ako gumigimik. Pagkatapos ng work, sa bahay na po ako. Pag Tuesday lang po, nagpupunta po ako ng Baclaran."

Twenty years old na si Ryza ngayon. Aminado siya na matagal nang may offer sa kanya na mag-pose bilang cover girl sa iba't ibang men's magazine. Pero kinailangan niya raw itong i-turn down dahil alam niyang hindi pa siya ready.



"Siguro po, kung sakali man, mga twenty-two or twenty-three na ko. Ngayon po kasi, ang tingin ko talaga, hindi pa ko ready. At saka, masyado pang bata ang katawan ko. Baka sabihin, pambata."



Kung dumating ba ang pagkakataon na ‘yon ay papayag siyang may ipabago sa katawan niya katulad ng iba?



"Ay, hindi po!" mabilis niyang tugon. "Kuntento na po ako sa kung ano po ang ibinigay ni God. Ayoko po, ayaw rin po ng lola ko ng ganoon. Baka kung malaman po niya, magalit po sa akin. At saka kapag may nasa news po na ganoon, siya po talaga ang nagsasabi sa akin na, ‘Oy, wag mong gagawin ‘yang ganyan! Huwag kang gagaya sa mga ganyan!' At the same time, natatakot din po ako, kasi, never pa naman po akong naospital. Never pa akong naoperahan," sabi ni Ryza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN