Joey Marquez talks about showbiz friends who lost in last elections


"At this particular time kasi, especially Metro Manila, naghahanap na ng medyo may experience ‘yan. Kung gusto mong magsimula, magsimula ka sa mababa lalo na kapag artista ka," says Joey Marquez.


Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang comedian at dating mayor ng Parañaque na si Joey Marquez. Tahimik at masaya raw ang buhay niya ngayong wala na siya sa pulitika.



In terms of work, aminado si Joey na nami-miss niya raw ang paghu-host. Isa kasi siya sa mga dating host ng S-Files ngunit hindi siya na-retain nang palitan ito ng Showbiz Central.



"Ang sarap mag-host. Mula kasi nang maging host ako ng S-Files, hindi na ako masyadong naintriga. Kumbaga, kung ayaw mong ma-reporter, mag-reporter ka! Kasi, may tinatawag na gentleman's agreement among the colleagues. So, nandoon na 'yung respeto among us," natatawa niyang sabi.

Nilinaw ni Joey na wala naman daw hard feelings kahit hindi na sila nakasama ni Paolo Bediones sa pagre-reformat ng show.



"Okay naman," sabi ni Joey. "Meron din naman kaming konting hesitation bilang lalaking host. Siyempre, may limits din kami kung babae na ang ini-interview mo. Siyempre, kailangan din ng kaukulang paggalang [ng] isang lalaki sa babae.



"Walang hard feelings. Alam nyo, 'yun naman ang maganda sa GMA-7, tanggalan ka man ng isa, siguradong meron pa rin na ibibigay na kapalit. Protektado 'yung mga talents."

Sa kaso ni Joey, pagkatapos ng S-Files ay binigyan siya ng dalawang shows kapalit nito—Fantastic Man at Who's Your Daddy Now?.

Hiningan din ng PEP ng reaksiyon si Joey tungkol sa dating kasamahan niya na si Pia Guanio, na inuulan ng batikos in terms of hosting style.



"I think, she's just misunderstood," opinyon ni Joey. "But she's a very nice woman. She's very intelligent, very nice, very witty, friendly. Kaya lang, minsan, nami-misunderstood siya kasi may looks siya na classy, parang mahirap lapitan. Pero actually, mas cowboy pa sa amin ‘yan."



LOVELIFE: Si Tsong (tawag kay Joey) ang isa sa tinaguriang "playboy" sa Philippine showbiz. Kaya tila hindi kapani-paniwala ang sinasabi niyang wala siyang lovelife ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ako rin nga, hindi ako makapaniwala!" natatawa niyang sabi. "Siguro sabihin na lang natin that I am alone, but never lonely!"



Lumalabas pala, wala lang commitment?



"Commitment kasi...I am married to my children," diin niya. "Walang babae na papayag na second priority lang sila. 'Yun palagi ang nagiging problem, pero naiintindihan ko rin naman sila.

"Siyempre, you have to face the reality na, unang-una, ang dami kong luggage. 'Yung luggage ko na supposedly, nasa babaeng luggage, kinarga ko lahat bilang tatay.



"Secondly, hindi siya puwedeng maging first priority. Pangatlo, hindi sila puwedeng makipag-compete sa mga anak ko. I always say that if you will compete with my children, you'll lose. It's always been my children [first]," sabi ni Joey.



Sa tingin niya rin daw, wala na siyang makikitang babae na papayag sa mga kundisyones niya. Though, hindi naman daw siya nababahala rito.

"Happy naman ako, e. Hindi naman ako alone," paliwanag ni Joey.

Pero bakit palagi pa rin daw silang nakikitang magkasama ng ex-girlfriend niyang si Alicia Meayer?



"Naku, kaibigan ko ‘yon! Wala ako sa Boracay, sa Bicol ako palagi ngayon. Sa Camsur, yung wakeboarding. Doon ako nagka-"cam....sur!" tawa niya.

Is Alicia part of his statement na, "I'm alone but not lonely?"



"Past is past! Let bygones sa lamok!" pakuwela pa niyang palusot.



ALMA MORENO. Sa muling pagsubok ng dating asawa ni Joey na si Alma Moreno sa pulitika, nanalo ito bilang konsehal sa Parañaque. Naging visible din si Joey during the campaign. Tuloy, may usap-usapan na bagama't si Alma ang naka-front, still, si Joey pa rin daw ang utak sa likod ng pag-upo ng aktres.



Ani Joey, "Well, it's my principle naman with Ness na kahit na hiwalay na kami, I'm always protecting her pa rin naman. Not because we're former lovers but because she's the mother of my children. So, kung mapahiya man siya, parang napahiya na rin ang anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"So, kung ano ang maitutulong ko para umangat sila, para gumanda ang buhay nila, ‘yon ang gagawin ko. That's my principle in life, kaya lahat sila, kaibigan ko pa rin.

"Pero ‘yung front lang siya, hindi naman. Si Ness naman, magaling naman talaga ‘yan. I think, let's give the credit due to her naman."



ELECTION.
Aminado rin si Joey na bilang dating pulitiko, nalungkot at nanghinayang siya sa mga kaibigang hindi nakalusot nitong nakaraang May 14 elections.



"Tulad ni Anjo [Yllana, na natalo for vice mayor sa Parañaque], sayang," sabi ni Joey. "Sayang si Anjo. Actually, I've been advising him. I told him since the beginning na, ‘Anjo, medyo kinakarate ka nila riyan. Medyo pinagkaisahan ka nila dahil ikaw ang contender, e. So, kailangang mabura ka.' Ang nangyari sa kanya, kalaban na, kakampi niya, naging kalaban niya pa rin."



Ano naman ang masasabi niya sa isa pa niyang matalik na kabigan na si Richard Gomez, na natalo for senator?



"Si Richard kasi, tinulungan ko hindi dahil kaibigan ko siya. Tinulungan ko siya dahil maganda ang balak niya. 'Yung principle in life niya. But unfortunately, mahirap talagang tumakbo na independent. But I think, it's a good start. Kung tatakbo siya muli, meron na siyang phase one na naipakilala niya ang sarili niya na hindi masyadong gagastos."



Marami ngayong mga artista ang hindi nakalusot sa election. Ano ang basa ni Joey rito?



"Ano kasi ‘yan, seasonal, para lang din pelikula. Minsan okay ang comedy, the next season, okay naman ang drama. At this particular time kasi, especially Metro Manila, naghahanap na ng medyo may experience ‘yan. Kung gusto mong magsimula, magsimula ka sa mababa, lalo na kapag artista ka.

"Kahit balot vendor ngayon, nag-iisip na. Unlike noong araw, kahit nakapikit, isusulat basta artista. Pero kung artista ka, nanggaling ka sa mababa bago ka umakyat, mas may chance ka pa," sabi ni Joey bilang pangwakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN