Gretchen Barretto accompanies partner Tonyboy Cojuangco to US for his operation


Gretchen Barretto and partner Tonyboy Cojuangco reportedly flew to the United States with their daughter Dominique last Monday, June 25. Tonyboy is expected to undergo an operation for his throat problem.


Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nakaalis na pala ng Pilipinas si Gretchen Barretto, ang kanyang partner na si Tonyboy Cojuangco, at ang anak nilang si Dominique noong Lunes, June 25, papuntang United States. Pero bago raw lumipad patungong US ay nagpaalam si Gretchen sa kanyang malalapit na kaibigan.



Kasama diumano sa pagpapaalam niya sa kanyang mga kaibigan sa text message ang dahilan kung bakit sila nangibang-bansa. Tuloy na raw diumano ang operasyon ni Tonyboy sa lalamunan nito kaya humihingi rin ng dasal si Gretchen para sa kalusugan at kaligtasan nito after the operation.



Kung matatandaan ay nabalitang na-diagnose si Tonyboy ng kumplikasyon sa lalamunan that might lead to throat cancer. Isang dahilan ito kung bakit hindi na diumano makapagsalita nang maayos ang businessman.



Nang makausap ng PEP ang matalik na kaibigan ni Gretchen na si Nadia Montenegro, wala siyang alam na mangingibang-bansa ito. Matagal na raw kasi silang hindi nagkausap nang personal after ng "kisscandal" ni Gretchen with John Estrada.



"The last time I spoke to her was two weeks ago pa," sabi ni Nadia. "Since then, hanggang text-text lang muna kami because I left the country din. Noong bumalik ako, wala pa akong nabalitaan about her, until now nga na nagplano pala silang mag-abroad. It would do her and her family good para naman malayo sila pansamantala sa intriga. They all deserve a vacation after what happened."



Hindi pa raw tiyak kung kailan babalik si Gretchen at ang pamilya nito. May balitang matatagalan sa US si Tonyboy dahil doon na raw magpapagaling ang businessman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN