Pia Guanio denies marrying Vic Sotto in Las Vegas


"Pag-uusapan namin talaga ang date ng wedding kasi ang gusto ko talaga, mag-honeymoon sa Europe kahit one month lang. Hindi pa kasi ako nakapupunta anywhere in Europe," says Pia Guanio about her wedding plans with boyfriend Vic Sotto.


Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang TV personality na si Pia Guanio kahapon, June 29, pagkatapos ng Eat Bulaga!.

Naging medyo kontrobersiyal kasi si Pia nang hindi magustuhan ng entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal ang interview niya kay Annabelle Rama sa Showbiz Central noon. Ayon kay Dolly Anne, hindi raw na-handle ni Pia nang maayos ang situwasyon at hinayaan nitong pagsalitaan siya ng masasakit na salita ng ina ni Ruffa Gutierrez.

"You cannot control Tita Annabelle when she's on a rampage," nakangiting sabi ni Pia. "Marami nga akong narinig na comments daw, pero ang sabi ko na lang sa mga nang-iintriga, ‘Why don't you try?' na sila ang mag-interview kay Tita Annabelle kapag galit ito. Isa pa, sinabihan na rin ako ni Tita Annabelle na 'Hindi mo ako mapipigilan, ‘Day, kung ano ang gusto kong sabihin.'

"Regarding Dolly Anne, nagulat lang ako sa reaction niya, but I have no animosity with her. It's not a matter of pride sa akin, na nang malaman kong nasaktan siya, nag-sorry agad ako sa kanya sa show. Carry ko na rin ang intriga, saka I believe na everybody is entitled to their opinion. I know some will like me, and some will not. Alam ko namang hindi ko mapi-please ang lahat ng tao.

"Saka happy kami sa rating ng aming show. One month-and-a-half pa lamang kami sa air, at hindi naman nalalayo ang rating namin sa katapat na show, at minsan na rin namin silang natalo. Kaya we try our best na maiba rin ang presentation namin every week."

More than three years na si Pia sa Kapuso Network at masaya siya na kamakailan ay tumanggap ang kanyang show na Ang Pinaka sa QTV 11 ng Silver Medal for Best Educational Program para sa episode nilang "Pinakagigimbal na mga Trahedya," mula sa Los Angeles International Film & TV Awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya takot sa over-exposure? Bukod kasi sa Showbiz Central at Ang Pinaka na parehong napapanood every Sunday, daily naman siyang napapanood sa Eat Bulaga! at 24 Oras, at may bago siyang sitcom, ang Fulhaus, kung saan makakasama niya ang kanyang boyfriend na si Vic Sotto.

"No naman," sagot ni Pia. "Magkakaiba naman ang mga shows ko, iba-iba ang ginagawa ko. Happy ako dahil pare-pareho namang matataas ang ratings ng mga programa ko.

"Itong Fulhaus, ngayon ko lang nalaman... Pero welcome sa akin ang sitcom dahil for the first time, acting na ito sa akin. Dati kasi, tuwing Holy Week lang ako napapanood sa special Lenten presentation ng Eat Bulaga!," natatawang wika ni Pia.

Hindi na rin pinalampas ng PEP na tanungin si Pia kung kailan na ba ang kasal nila ni Vic.

"Not this year, maybe next year," diretsong sagot ni Pia. "And please let it be clear na hindi totoong nagpakasal kami ni Vic sa Las Vegas. Kung ginawa namin ‘yon, magagalit sa akin ang Showbiz Central dahil hindi nila nai-cover!

"Pag-uusapan namin talaga ang date ng wedding kasi ang gusto ko talaga, mag-honeymoon sa Europe kahit one month lang. Hindi pa kasi ako nakapupunta anywhere in Europe. Kaya hihingin ko ‘yong wedding gift sa akin ng mga boss ko sa aking mga shows. Hindi ako partikular sa wedding gown and wedding preparations, mas gusto ko pa nga ang simple wedding. Basta ang mahalaga sa akin, nandun lahat ang mga loved ones ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN