Kris Aquino begs off from "The Buzz" 8th anniversary show


Kris Aquino was invited to join the 8th anniversary presentation of The Buzz tomorrow, July 1, but the TV host-actress declined.


Naudlot ang posibilidad na pagkabati ng TV host-actress Kris Aquino at ng kanyang dating co-host sa The Buzz na si Cristy Fermin. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) from a very reliable source na a few days ago ay pumayag nang lumabas ni Kris sa The Buzz bukas, July 1, kasabay ng ika-walong anibersaryo ng showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN.

Kabilang sa plano ang pag-appear ni Kris sa show from the start and she will join her close friend Boy Abunda, Cristy, at ang bagong host ng show na si Ruffa Gutierrez. Ito na rin sana ang pagkakataon para makapagpaalam nang pormal si Kris sa mga manonood ng The Buzz. Magandang oportunidad na rin sana ang pagdating ni Kris sa The Buzz para magkabati sila ng nakatampuhang co-host na si Cristy.

Matatandaan na noong mawala si Kris sa show ay buntis pa siya sa kanyang bunsong anak na si Baby James. Hanggang sa nakapanganak at magbalik-TV na ulit si Kris sa programang Kapamilya Deal Or No Deal ay hindi na siya napanood sa The Buzz, na minahal at nilabasan niya ng ilang taon.



But at the last minute, hindi na raw matutuloy ang pag-appear ni Kris sa The Buzz this Sunday. Ayon sa text message na ipinadala ni Kris sa PEP blogger na si John "Sweet" Lapus, ihahatid daw kasi ng TV host-actress ang asawang si James Yap sa Sunday dahil papunta itong Taiwan for the Jones Cup.

Nabanggit din sa blog ni Sweet na panay pa rin daw ang tirada ni Cristy at ni Jobert Sucaldito sa mga kolum nila sa tabloids. Pero ayon kay Kris, "God knows and I don't care," nang tanungin kung bakit inaaraw-araw pa rin siya ng mga dating kasama sa The Buzz.

Samantala, bukod sa Kapamilya Deal Or No Deal, ay mapapanood na rin si Kris sa bagong morning show nila ni Boy Abunda na Boy & Kris starting this Monday, July 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN