Marian Rivera might star in two MMFF entries this year


After bagging the lead role in Marimar, young actress Marian Rivera is becoming more in demand. She is slated to do two movies for Regal Entertainment, both of which are 2007 Metro Manila Film Festival official entries.


Last year, nakagawa ng isang pelikula si Marian Rivera, ang Pamahiin together with Dennis Trillo. Hindi na ito nasundan.

After doing two mother roles sa dalawang magkasunod na soap opera na Muli at Super Twins, si Marian nga ang napili bilang Marimar sa malapit nang magsimulang soap opera ng GMA-7. First week of July ang taping nito sa Zambales under the direction of Joyce Bernal.

All of a sudden, biglang na-cast si Marian sa dalawang pelikula na official entries sa 2007 Metro Manila Film Festival.

Dahil natanggal si Jennylyn Mercado sa Bahay Kubo ng Regal Entertainment kapalit ng leading lady status niya sa Bong Revilla festival movie na Resiklo, si Marian ang ipinalit sa kanya opposite Mark Herras.

Bahay Kubo is a comedy about a mother with six ampons, although ang isa ay tunay niyang anak. Its original cast are Maricel Soriano playing the mother, and the six children—two of which are loveteams—are Jennylyn & Mark, Rayver Cruz & Shaina Magdayao, Yasmien Kurdi, and Jiro Manio.

Ngayong nakapasok na rin ang Desperadas as MMFF January entry, napasok din si Marian sa cast, although admittedly, malamang na magbabago-bago pa raw ang casting nito.

As of last Friday, ang casting na ng Desperadas, written by Roy Iglesias and directed by Joel Lamangan, will be Ruffa Gutierrez, Iza Calzado, Rufa Mae Quinto, and Marian nga. The movie was originally conceived na pagsasama-samahan sana nina Ruffa, Gretchen Barretto, Pops Fernandez, and Dawn Zulueta. Now, Iza takes over Dawn's lawyer-character, Marian gets the original Ruffa character, Ruffa switches roles and takes the original character of Gretchen, and si Rufa Mae naman ang magpu-portray ng sexologist na para kay Pops sana.

Balitang nabasa na raw ng manager ni Marian, si Popoy Caritativo, ang dalawang scripts. Both of them love the Marian roles so they would like to say yes to both.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman ito magiging kaso dahil sa isa lang naman sa mga lead stars si Marian sa Desperadas, at support lang siya sa Bahay Kubo. May ruling kasi sa mga artista na lumalahok sa taunang festival na isang pelikula as lead actor lang sila puwedeng sumali.

Pag tinanggap nga ni Marian ang dalawang pelikula, ito ang magiging kalagare niyang project once Marimar starts taping this month.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN