Two SexBomb Girls go on leave for motherhood and family


Evette Pabalan (left) and Weng Ibarra (right) got married this year and are now both on the family way. This was confirmed by their manager Joy Cancio.



Ibinalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng manager ng SexBomb na si Joy Cancio na mawawala muna sandali ang dalawang miyembro ng grupo na sina Weng Ibarra at Evette Pabalan.

Pormal naman daw nagpaalam ang dalawa kay Joy. Ang dahilan? Para harapin na ng mga ito ang bagong career na pinasok nila sa buhay: ang pag-aasawa.



"Ayokong maging kontrobersiyal itong isyu na ito kaya minabuti kong sa akin na mismo manggaling," panimula ni Joy. "Pero siyempre, pinaalam ko rin muna sa SexBomb Girls involved.

"Opo, kinu-confirm ko, may dalawang SexBomb Girls na nagpakasal early this year. Alam na naman siguro 'yun ng ibang showbiz people kasi naihayag na sa TV. Hindi na po namin ginawang public ang pagpapakasal ng dalawa dahil gusto ng mga asawa nila na maging private ang kanilang kasal. Kasi non-showbiz ang mga boys at hindi sanay sa limelight.

"Si Weng, foreigner ang asawa at si Evette ay dentista ang lucky husband niya. Ayaw na ayaw nilang magpakilala sa public at nirespeto ko naman ‘yon.

"Noong una, medyo nalungkot ako kasi siyempre, para din lang akong isang ina na ibibigay na ang mga anak sa kanilang pakakasalan. Actually, nagpaalam sila sa akin bago pa matapos ang 2006. Hindi ko naman sila puwedeng hindian dahil nasa tamang edad naman sila," kuwento ng SexBomb manager.



Pero kahit hindi niya sabihin, bakas din kay Joy ang konting lungkot. Nakakatuwang isipin na sa halip na pabayaang pagpiyestahan ng press in the future, si Joy na mismo ang nagkuwento ng magandang balitang ito.

Ayon pa sa SexBomb manager, naging slightly emotional pa ang pagpapaalam nina Weng at Evette dahil hindi niya inaasahang magkasunod pa ang dalawa sa desisyon nilang pansamantalang pananahimik para pagtuunan ng pansin ang personal nilang mga buhay.



"Noong una nga, hesitant pa sila, e," sabi ni Joy. "Hindi sila sabay na nagpaalam, actually. Nauna si Weng. Tapos nang malaman ni Evette, nagkalakas-loob siyang magpaalam dahil alam niyang naiintindihan ko. Kasi matagal na rin naman nilang boyfriends ang mga pakakasalan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang akin naman kasi, nasa tamang edad na ang dalawa. At para sa akin, pangarap ng bawat babae ang ikasal kaya bakit ko naman hahadlangan? Ayoko lang na gawin itong isyu dahil siyempre, baka naman magtampo ang mga fans kung itatago namin. Kesa naman kung kailan nang magsisimula sila ng pamilya, saka pa lang namin ilalabas. Negative ‘yon. Pero ngayong may bagong miyembro na ng SexBomb, sa wakas, nai-share ko na rin ang good news na ito sa fans ng mga girls."



Ayon pa kay Joy, natutuwa siya na humingi pa ng payo ang dalawa sa kanya tungkol sa mga dapat nilang matutunan sa kanilang married life. At kung paano nila magagawang maging successful ito, lalo pa nga at ang buhay nila ay umikot na sa showbiz.



Kung i-describe ni Ms. Joy ang mister ng dalawa niyang alaga, parang mga artista raw ang dating ng mga ito.

Puwede pa rin naman daw bumalik sa pagiging SexBomb nila ang mga misis nang sina Weng at Evette. Pero siyempre, siguradong ibang level na ito pagdating ng panahon. Para kay Ms. Joy, pansamantala lang naman ang pagkawala ng dalawa sa grupo.



At masaya ring ibinalita ni Joy na parehong nasa interesting stage sina Weng at Evette. Yes, parehong buntis ang dalawang SexBomb Girls at pareho ring tatlong buwan na ang kanilang ipinagbubuntis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN