Child actress Krystal Reyes pursues studies despite hectic "Anghelita" tapings


Krystal Reyes reprises the role originally portrayed by the late Julie Vega in Mga Mata Ni Anghelita.


Dahil sa sobrang hectic ng kanyang schedule, napapa-absent tuloy ang 10-year-old child actress na si Jolina Marie Reyes o mas kilala na ngayon bilang Krystal Reyes, na siyang bida sa bagong soap drama ng GMA-7 na Mga Mata Ni Anghelita.



Grade 5 na sa Grace Christian Academy sa Quezon City si Krystal. Simula raw noong pasukan ay may anim na absences na siya dahil nagsimula na silang mag-taping para sa Mga Mata Ni Anghelita. Sa Santa Rita, Pampanga, pa kasi ang location ng taping nila kaya kinakailangang um-absent ni Krystal sa school ng ilang araw.



"Nami-miss ko na nga po ang mga classmates ko at mga teachers ko sa school" sabi ni Krystal. "Ayoko nga po sanang um-absent, kaso po kailangan ko pong gawin ang Mga Mata Ni Anghelita kasi pinagkatiwala sa akin ng GMA-7 sa akin ang show.



"Wala naman pong problema sa school kasi binibigyan po nila ako ng advance homework para hindi raw ako mahuli. Bibigyan na lang po nila ako ng mga test para malaman nila na nag-aaral ako kahit na nasa set ako ng taping."



Sa lahat ng roles na ginampanan ni Krystal, pinakamahirap daw ang papel niya ngayon sa Mga Mata Ni Anghelita kumpara sa mga nagawa niyang roles sa Bakekang at Princess Charming. Dito raw kasi ay inaapi na siya.



"Sa Bakekang at Princess Charming po kasi, hindi ako inaapi at ginugulpi. Dito po sa Anghelita, marami pong aapi sa akin at bulag po ako rito. Pinasuot pa po ako ng puting contact lenses para magmukha akong bulag.

"Noong una po, masakit sa mata kasi hindi pa po ako sanay. Pero ngayon ay okay na po. Nasanay na ang mga mata ko na suot ang mga ‘yon."



Masuwerte si Kyistal dahil hindi na niya kinailangan pang mag-audition para sa role na Anghelita. Siya raw talaga ang kinuha ng pamunuan ng GMA-7 dahil taglay niya ang ilang katangian ng unang gumanap na Anghelita sa pelikula, ang namayapa nang si Julie Vega.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Yun po ang sinabi nila sa akin," pagkumpirma ni Krystal. "Hindi nga po ako nakapanood noong pelikula kasi wala na yata silang makuha na kopya. Ikinuwento na lang po sa akin 'yung pelikula at kung sino si Julie Vega.



"Gusto nga po nila ay magbigay ako ng sarili kong style sa pag-arte na hindi ko kinokopya si Julie Vega. Naiintindihan ko naman po ang kuwento nila at ginagawa ko po ang makakaya ko para matuwa po sila sa akin," pagtatapos ni Krystal.



Magsisimula na mamayang gabi, July 2, ang Mga Mata Ni Anghelita sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN