Marky Cielo not lovestruck with Glaiza de Castro or Stef Prescott


Although Marky Cielo (center) is being linked to his Boys Nxt Door co-stars Stef Prescott (left) and Glaiza de Castro (right), the young actor says he's not courting anyone at the moment.


Sa panayam ng Startalk kay Mark Cielo ay tinanong siya tungkol sa dalawang leading ladies niya sa Boys Nxt Door na sina Glaiza de Castro at Stef Prescott.

Balitang na-offend ang mga fans ni Glaiza nang sabihin ni Marky na hindi niya niligawan ang young actress. Tila naging negative ang dating ng pahayag na iyon ni Marky.

"Ha? Bakit naman? Hindi naman. Ano ba 'yun? Bakit naman ganun?" sunud-sunod na tanong ni Mark sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Boys Nxt Door.

"Sana huwag silang ma-offend kasi parang... hindi ko naman sinabing hindi ko siya [Glaiza] type," paglilinaw ni Marky.

"Sorry kung ganun, pero hindi ko naman sinabing ayaw ko or ano. Ang sinabi ko lang, wala, pareho lang na work, parang open ako sa lahat. Wala po akong pinaboran sa kanila. Kasi ako po, willing akong makatrabaho kahit sino po. Bale 'yung openness na kaya kong makipagtrabaho kahit sino po."

Si Stef ba talaga ang nililigawan niya?

"Ay hindi po, wala po akong nililigawan ngayon," sabi ni Marky.

Gaano na ba sila ka-close ni Stef?

"Close din kami, pero hindi kagaya nung closeness namin ni Glaiza. Mas makulit kami ni Glaiza," ani Marky.

Bukod sa Boys Nxt Door, nagkasama na rin sina Marky at Glaiza sa Fantastikids at Asian Treasures.

Kinumusta rin namin kay Marky ang tungkol sa Shaider, na balitang pagbibidahan niya.

"Hindi pa po sigurado, e," sagot ng StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor.

Madi-disappoint ba siya if ever hindi sa kanya mapunta eventually ang role ng Shaider?

"Hindi naman po," sabi ni Marky. "Pero ayoko lang po talagang umasa. Ganun naman po ako, e. [For] example... noon pong every elimination ng StarStruck, lagi kong iniisip na tanggal na ako.

"Pag test, ginagawa ko talaga 'yung best ko. Pero pag tanggalan, parang feeling ko, ako na 'yung matatanggal, 'yung mga ganun. Lagi kong ine-expect 'yung worst para masarap ang pakiramdam."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN