PEP EXCLUSIVE: Sharon Cuneta surprises Judy Ann Santos with belated birthday/anniversay party


"Gusto ko ngang magsaksak ng sarili ko sa inis dahil hindi ako nakarating! Kahit ano gagawin ko sa special na ‘yon ni Juday. Kahit pagsayawin ako at pagtamblingin, gagawin ko makapag-perform lang ako for my sister," says Megastar Sharon Cuneta about her absence from Judy Ann Santos's anniversary special.More pho


"Dear friends, please join us in giving our sister and friend Ms. JUDY ANN SANTOS, an exclusive, strictly by-invitation-only SURPRISE belated Birthday and '20th Anniversary in Showbusiness' party on July 1, Sunday evening at 7, at Teatrino, The Promenade, Greenhills.

"Please remember that this is a SURPRISE(!) and so kindly make sure you help us in keeping it a secret, and please, PLEASE be there on time and all ready to shower our Juday with your love and good wishes!!!

"Hope to see you then! Thanks and God bless!—Sharon Cuneta-P. (and Kiko and our Powerpuff Girls!)"

Ito ang personal na mensaheng ipinadala ng Megastar na si Sharon Cuneta thru text sa mga taong malalapit kay Judy Ann Santos.

Isa kami sa mapalad na na-invite sa selebrasyon kagabi, July 1, sa Teatrino.

Matatandaang hindi nakarating si Sharon sa anniversary special ni Juday last June 16 sa Araneta Coliseum. Namaga kasi ang pisngi ng Megastar dahil nakagat niya ang loob ng kanyang pisngi at nagkaroon ito ng infection.

"Gusto ko ngang magsaksak ng sarili ko sa inis dahil hindi ako nakarating! Kahit ano gagawin ko sa special na ‘yon ni Juday. Kahit pagsayawin ako at pagtamblingin, gagawin ko makapag-perform lang ako for my sister. Pero hindi talaga kinaya ng powers ko, grabe ang kundisyon ng pisngi ko that time. As you can see, hanggang ngayon, namamaga siya," paliwanag ni Sharon kung bakit hindi siya nakarating sa anniversary special ng malapit na kaibigan.

Naging malapit sa isa't isa sina Sharon at Juday habang ginagawa nila ang pelikulang Magkapatid noong 2002.

Dahil surprise nga, walang kamalay-malay si Juday na isang party ang naghihintay sa kanya. Ang alam lang niya ay may dinner sila ng boyfriend niyang si Ryan Agoncillo with some friends. Kaya ganun na lang ang pagkagulat ng young actress nang pagpasok niya sa Teatrino ay bumulaga sa kanya ang mga kaibigan at kapatid sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pangunguna nga ng Megastar (na kinutsaba si Ryan at ang common friend nila ni Juday na si Anna Dasig) at ng asawa nitong si Senator Kiko Pangilinan, isang masaya at masaganang hapunan ang nagsilbing belated birthday at 20th anniversary celebration ni Juday.

Ang mga bisitang celebrities/friends ng aktres ay ang best friend ni Judy Ann na si Beth Tamayo, who came with husband Johnny Wong; ang magkasintahang Dingdong Dantes at Karylle; Iza Calzado; ang onscreen arch-enemy pero real-life close friend ni Judy Ann na si Gladys Reyes; Mylene Dizon; former actor-turned-director Rowell Santiago (na madalas ay katsikahan ang mister ng Megastar during the party); directors Jerry Lopez-Sineneng, Rory Quintos, Olivia Lamasan, and Jose Javier Reyes; Pokwang; John "Sweet" Lapus; Ryan's manager Noel Ferrer; designer Paul Cabral; stylists Juan Sarte and Chechel Joson; entertainment columnist Joe Barrameda at yours truly; and Miss Gina Pareño, Juday's co-star in Ysabella.

Present din ang parents ni Ryan and Juday's manager Alfie Lorenzo.

Of course, hindi puwedeng mawala ang tatlong tao na sa hirap at ginhawa ay karamay ni Judy Ann: ang dakilang ina niyang si Mommy Carol Santos at ang mga kapatid na sina Jeffrey (kasama ang wife nitong si Ynna) at Jackie.

Nag-provide ng live entertainment ang favorite band ni Judy Ann na Session Road.

Pero ang talagang uamagaw ng eksena ay ang "Powerpuff Girls" ng Megastar at ni Senator Kiko na sina Frankie at Miel. Kinantahan ng dalawa ng kanilang Tita Judy Ann. Parehong maganda ang boses ng dalawang bagets, napaka-articulate pa, at sanay na sanay sa stage.

Bulalas nga ni Shawie, "Showbiz na showbiz ang mga anak ko!"

Hindi rin nagpatalo ang Megastar sa kanyang mga anak dahil nag-ala Pussycat Dolls naman siya kasama sina Juday, Beth, at Mylene na ilang kanta rin ang kinarir onstage.

Bukod sa party, may mga inspirational books na iniregalo ang mag-asawang Pangilinan, hindi lamang kay Juday, kundi pati na rin kay Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakas na bakas sa mukha ni Juday ang labis na kasiyahan sa magandang gesture na ipinakita sa kanya ng kanyang Ate Sharon. Si Juday lamang ang nag-iisang artistang binigyan ng ganito kaespesyal na selebrasyon ni Sharon sa buong buhay nito, which only shows kung gaano nito kamahal si Judy Ann.

More photos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN