Kris Aquino explains why she cancelled her appearance in "The Buzz"


"Alam mo, wala na akong problema and I can be so frank about this. Malalim ang pinagsamahan namin. Malalim ang respeto ko sa kanya. Sa kanya, no problem whatsoever talaga. She knows, e... So, doon lang sa mga nakikisawsaw na hindi kayo involved, please!" says Kris Aquino about her rift with former The Buzz co-host Cristy Fermin.


Ipinaliwanag ng TV host-actress na si Kris Aquino kung bakit hindi siya nakasipot sa 8th anniversary celebration ng The Buzz kahapon, July 1. Itinanggi niya na ang dahilan ay iniiwasan niyang magkaharap sila ng nakaalitang dating co-host na si Cristy Fermin.

Ayon kay Kris, paalis din daw kasi noong araw na ‘yon ang asawa niyang si James Yap papuntang Taiwan at inihatid niya ito sa airport. Akala niya ay hapon pa ang flight ni James kaya kinansela niya ang guesting niya saThe Buzz, pero napaaga ang flight ng asawa.



"Kasi ganito 'yon talaga... Initially, we thought three p.m. ang flight ni James. Tapos nakapag-commit kami doon sa ABC-5 na magsu-shoot sila sa house. Tapos nalaman ko na one p.m. pala yung flight, tapos ten-thirty a.m. kailangan [nasa airport na]. E, na-cancel ko na at that point [yung The Buzz]. Hindi sa pagbubuhat ng bangko, bumangon naman ako ng seven a.m. para mag-impake ng time na 'yon," kuwento ni Kris sa press con ng bagong morning show niya with Boy Abunda na Boy & Kris kaninang tanghali, July 2, sa ABS-CBN compound.

Siya lang mag-isa ang nag-ayos ng mga bagahe ni James?



"No, I mean, with Jane," sabi ni Kris. "Let's give credit to the yaya. Pero ako naman ang nagsabi ng ganito at 'yung pag-o-organize. Kasi kukunan nila [ABC 5] 'yung pag-iimpake. Parang sa loob-loob ko, baka sabihin nila hindi tayo neat. So, talagang nag-ayos ako bago sila dumating.

"Tapos the whole afternoon, nag-relax lang dahil pagod talaga ako. Kasi the night before, nag-Mall of Asia ako, 'yung pirma-pirmahan. And 'yung Sunday na puwede kang mag-recharghe, sarap! Ang sarap mag-recharge the whole time."



All along, may plano raw talaga na dumating si Kris sa The Buzz, kesehodang magkita pa sila ni Cristy.



"You know, we work under one station," sabi ni Kris. "We walk on the same corridors. Eto na lang, kasi may pagkakaiba 'yung pinagsamahan sa word na pinakisamahan. In my heart, alam ko may pinagsamahan kami. So, hindi ko naman alam kung pinakisamahan lang ako. Ako, sasabihin ko talaga, alam ko may pinagsamahan talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Open ba siya sa possibility na mag-usap sila ng dating kasamahan niya sa The Buzz?



"Alam mo, wala na akong problema and I can be so frank about this. Malalim ang pinagsamahan namin. Malalim ang respeto ko sa kanya. Sa kanya, no problem whatsoever talaga. She knows, e. Mahal ko at alam ko naman kung anuman ang nangyari sa aming dalawa dahil mahal niya ako. So, doon lang sa mga nakikisawsaw na hindi kayo involved, please!



"Nagmo-monitor din naman ako, e. Alam ko na si Tita Cristy umawat. Dahil talaga sa amin, may foundation na malalim. In the same way that there are other people na ka-close niya. So, doon lang talaga na parang na-off ako. Off talaga because you're not involved. It's that simple.



"I mean, sa amin, maaayos 'yon, e, in time. Because nga, ano ba naman? Ilang times kami nagkatampuhan. Kay Joey [Marquez] pa! Hello! Ganun niya kamahal si Joey, pero minahal din niya ako. So, give me a break. 'Yung sa amin talaga [ni Cristy], she has known me since I was fourteen years old."

Ang alitang ito nina Kris at Cristy ay nag-ugat noong ma-involve ang mister ni Kris na si James sa receptionist na si Hope Centeno.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN