Yasmien Kurdi on relationship with JC de Vera: "MU siguro."


"I think kailangan pa namin ng more time pa. Basta masaya kami sa company ng isa't isa, 'yun naman ang importante. Di na masyadong importante kung kayo ba agad. Mas importante kung maganda ang relasyon ninyo sa isa't isa," says Yasmien Kurdi about her relationship with JC de Vera.


Nakorner ng ilang entertainment press ang young actress na si Yasmien Kurdi sa birthday ni Sunshine Dizon noong Sabado, June 30, tungkol sa umano'y magandang pagtitinginan nila ng kanyang co-star sa Pati Ba Pintig ng Puso? na si JC de Vera.

Hindi na nakapagsalita pa si Yasmien nang sunud-sunod ang tanong sa kanya.

"Ah, MU siguro. Siguro nga MU," natatarantang pahayag ni Yasmien.

Mutual understanding ang tinutukoy ni Yasmien na estado ng kanilang relasyon. Ang ibig sabihin, wala silang pormal na kasunduan o commitment, pero halos magkasintahan ang turingan nila.

"I think kailangan pa namin ng more time pa," patuloy niya. "Basta masaya kami sa company ng isa't isa, 'yun naman ang importante. Di na masyadong importante kung kayo ba agad. Mas importante kung maganda ang relasyon ninyo sa isa't isa," ayon sa StarStruck 1 First Princess.

Huwag na rin daw ikumpara si JC kay Rainier Castillo dahil ibang-iba raw ang relasyon nila ni JC sa kanyang dating ka-loveteam at kasamahan sa StarStruck. Mas malaki raw kasi ang porsiyento ng pagiging magkaibigan nila ni Rainier. Ito raw marahil ang dahilan kung bakit hindi nauwi sa isang romantic relationship ang pagtitinginan nila noon.

Kinikilig din si Yasmien nang ikuwento sa amin na mayroon silang mga kissing scenes at love scenes ni JC sa Pati Ba Pintig ng Puso? na kukunan sa isang cruise. Ito raw kasi ang parte ng istorya sa kanilang afternoon soap kung saan magha-honeymoon sila. Malamang ay kunan daw ito sa Star Cruise.

Mas lalong kinilig si Yasmien at hindi malaman ang pagkukunan ng sagot nang tanungin namin kung saan siya humuhugot ng emosyon sa kanilang kissing scenes at love scenes.

Tila natahimik naman ang dalaga nang tanungin namin kung napapagkuwentuhan ba nila ni JC ang ex-girlfriend ng binata na si SexBomb Aifa.

"Yeah, napag-usapan na namin... Ah, ewan... Past na... Ah, siguro siya na lang ang tanungin niyo," tila urong-sulong na sagot ni Yasmien.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang beses nang nai-link si Yasmien sa mga binata. Una ay kay Rainier, sumunod ay sa isang kasamahan niya sa Iglesia ni Cristo. Magkasunod din siyang naiugnay sa mga lead singers ng dalawang sikat na banda. Pero ni isa ay wala siyang kinumpirmang relasyon.

Tila kay JC yata talaga nahulog ang loob ng dalaga. Pero kung saka-sakaling matuloy sa mas malalim na relasyon ang pagtitinginan nila, magagawa kayang magpa-convert ni JC sa Iglesia na siyang relihiyon ni Yasmien?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN