Singer Barbie Almalbis rocks a new cradle


Musician Barbie Almalbis is now a mother! The former lead singer of Barbie's Cradle gave birth to her first child with husband Martin Honasan last June 28. The couple named their firstborn Noa Stina.



Labis ang tuwa ng anak ni Senator Gringo Honasan na si Martin Honasan nang makausap ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) para kumustahin ang kanyang misis na si Barbie Almalbis matapos itong manganak ng isang healthy baby girl noong Huwebes, June 28.

Ayon sa bagong daddy, normal delivery ang kanilang first baby ni Barbie. May timbang ito ng 6.2 lbs. at may haba na 18 inches.

Noa Stina ang napili nilang pangalan sa kanilang munting anghel na isinilang ng 5:28 ng hapon.

"They're names of two musicians we like. We also got the Noa idea from the Bible. Noah means comfort. Stina means Christian or Anointed," pagmamalaki ni Martin.

Maayos naman daw si Barbie matapos itong manganak. Todo-bantay naman si Martin sa kanya na halos hindi na umaalis ng ospital.

"I'm very excited. Can't wait to bring her home. I'm sure my Dad's even more thrilled. He's a first time lolo," kuwento ni Martin tungkol sa kanyang ama na si Sen. Honasan.

Agad na in-email sa amin ni Martin ang mga pictures ni Stina. Pawang mga importanteng larawan ang mga ito para sa kanya.

Ang isa ay ang kauna-unahang picture ni Stina, limang minuto pa lang ito sa mundo, may picture na agad. Makikitang cute na cute ang panganay nila ni Barbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN