Luis Manzano and Mariel Rodriguez admit going out together


"We're just friends and we go out," says Luis Manzano about the status of his relationship with TV host Mariel Rodriguez.


Kahapon, July 2, sa taping ng bagong morning show ng ABS-CBN, ang Boy & Kris, ay hindi nakaligtas si Luis Manzano sa pangungulit ng mga hosts na sina Boy Abunda at Kris Aquino kung sino ang pinaka-special na girl sa kanyang puso pagkatapos ng matagal nitong panliligaw kay Toni Gonzaga.

Sa una, isang pangalang hindi taga-showbiz ang binanggit ng anak nina Vilma Santos at Edu Manzano, pero sa huli ay umamin na rin ito na si Mariel Rodriguez ang special girl sa kanyang puso ngayon.



"We're just friends and we go out," ang matipid na sabi ni Luis tungkol sa kanilang relasyon ni Mariel.



Sa hiwalay na taping ng Boy & Kris ay si Mariel naman ang naging isa sa mga guests nina Boy at Kris. Tinanong din ang TV host ng kanyang manager na si Boy tungkol sa kanila ni Luis.



"Umamin ka Mariel. Bilang iyong manager ay di mo yata nasabi sa akin ang tungkol sa inyo ni Luis. Are you going out together?" tanong ni Boy.



"We are friends and we go out," sagot ni Mariel, na tila kinopya lang ang sagot ni Luis.

Napilitang mag-elaborate ang TV host nang banggitin sa kanya ang balitang may nakakita sa kanila noong nanood sila ni Luis ng sine sa Greenbelt Cinema.



"Oo, nanood kami," pag-amin ni Mariel. "Last full show 'yon before my PBB Uplate. Sa Greenbelt 'yon and we watched Fantastic Four."



"Ikaw ba ang nagbayad ng ticket?" biro ni Boy.



"No, of course not! Kasi may ticket na siyang nabili nang mangumbida siyang manood. Ako naman, dahil hinihintay ko pa ang aking Uplate kaya pumayag ako," paliwanag ni Mariel.



Inamin din ni Mariel na magkatabi sila ni Luis sa upuan, but never daw silang nag-holding hands. Pagkatapos ay nagtawanan ang lahat sa studio nang in-insist nina Boy at Kris kung nagsulyapan ba silang dalawa habang ongoing ang palabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, walang ganyan!" tili niya. "Basta we just watched. Naka-glue ang aming mga mata sa aming pinapanood."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN