Bruce Quebral makes his screen debut in "Desperadas"


Pinoy Big Brother 2 ex-housemate Bruce Quebral is now a movie star. He will be one of the leading men in the 2007 Metro Manila Film Festival entry Desperadas, which will star Ruffa Gutierrez, Iza Calzado, Marian Rivera, and Rufa Mae Quinto.



Today, July 3, ang story conference ng Desperadas, ang pang-January 1st opening entry ng Regal Entertainment sa 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF). This is from the script of Roy Iglesias to be directed by Joel Lamangan.

Hindi pa rin nagbabago ang casting. Si Ruffa Gutierrez ang gaganap sa original character ni Gretchen Barretto na sobra ang gastos hindi niya alam na wala na siyang pera. Si Iza Calzado naman ang sa original character ni Dawn Zulueta na isang lawyer. Si Marian Rivera ang dapat kay Ruffa na in love sa isang basketball player na na-convert na maging Christian kung kaya't nabulilyaso ang kasal nila. Si Rufa Mae Quinto naman ang kay Pops Fernandez sana na isang sexologist.

Half-sisters ang characters nila rito, living in one compound. Si Annabelle Rama ang gaganap na ina nilang lahat, but in voiceover and flashback na lang.

Napili na rin ang mga magsisiganap na leading men.

Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition housemate Zanjoe Marudo plays opposite Ruffa, si Wendell Ramos kay Iza, si TJ Trinidad kay Rufa Mae, at ang gaganap na basketball player na love interest ni Marian ay isang tunay na basketball player bago naging model and housemate ni Kuya ng PBB second edition—si Bruce Quebral.

Another housemate sana ang ilalagay sa papel ni Bruce, but it was decided na kay Bruce na nga ibigay dahil tunay nga itong basketball player. A UP player of the UAAP, nag-PBL din si Bruce bago siya na-injure sa ACL (anterior cruciate ligament) at kinailangang mag-shift career.

Sa Bench Understatement unang rumampa si Bruce as a model.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN