Cristine Reyes to be launched by Viva Films via "Manikurista"


Young actress Cristine Reyes is scheduled to do a movie for Viva Films, which will also serve as her launching picture.


Nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sexy young actress na si Cristine Reyes sa presscon ng bagong batch ng talents ng Viva Artists Agency (VAA) kahapon, July 3, sa Viva Office.

Akala nga namin ay lumipat na si Cristine sa Viva Films mula sa Artist Center ng GMA-7. Inisip din ng PEP na sinundan niya ang leading man niya sa pelikulang Green Paradise na si Andrew Schimmer, na isa sa mga talent ng VAA at nali-link sa kanya.



Sa pakikipag-usap ng PEP, napag-alaman namin na naki-join lang talaga sa presscon si Cristine dahil malapit na siyang gumawa ng pelikula sa Viva Films. In fact, may title na ang movie at naka-schedule ang shooting sa August.



Manikurista ang working title ng pelikula ni Cristine sa Viva Films, na magsisilbi ring launching movie niya to be directed by Joey Reyes. Wala pa siyang leading man, pero kasama rin sa cast si Andrew Schimmer.



Sa sandaling interview ng PEP kay Cristine, ibinalita niyang sa Thursday, July 5, na ang pictorial niya para sa FHM at lalabas ito sa August 2007 issue ng nasabing premiere men's magazine. Wala pa siyang idea kung ano ang concept, kung ano ang isusuot, at kung gaano ka-daring ang gagawin niyang pictorial.



Matatandaang matagal nang kinukumbinsi ng FHM si Cristine na mag-cover sa kanila, pero laging nagdi-decline ang nakababatang kapatid ni Ara Mina. Hindi pa raw siya ready at kung anu-anong alibi ang ibinigay. But in fairness, madali siyang napapayag nang maramdamang right time na for her para lumabas sa men's magazine.



Niatanong din ng PEP si Cristine tungkol sa conflict nila ni Katrina Halili, pero pati siya ay clueless kung bakit sila pinag-aaway. May "mga tao" siyang binanggit na nagpapaaway sa kanila, pero hindi na niya pinangalanan kung sino ang mga ito.



"Ka-text ko siya noong Monday at nagkasundo kaming mag-uusap nang personal para maayos na ang lahat. Nasabi ko ring magtulungan na lang kaming dalawa," sabi ni Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN