Mark Herras is steady and focused without lovelife


When asked if it's possible that he'll court Marian Rivera again, Mark Herras replied, "Di ko masabi. Kaya lang, ang dami nang dumaan, mga nangyari. Right now kasi, okay na sa akin 'yung ganito, steady ako."


Wala mang kumpirmasyon kung nauwi nga sa isang formal relationship ang ginawang panliligaw noon ni Mark Herras kay Marian Rivera, consistent ang mga balita kung gaano naging seryoso talaga ang young actor sa panunuyo sa dalaga.

Hindi rin naging malinaw kung bakit naputol ang diumano'y special relationship nina Mark at Marian. Pagkatapos nito ay na-link na si Mark sa iba't ibang babae—Nicole Anderson, Katrina Halili, Ryza Cenon, Cristine Reyes, EB Babe Lian Paz, atbp.—samantalang wala namang naugnay na iba kay Marian.



Kamakailan ay lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balitang nagpaparamdam muli si Mark kay Marian. Nang makausap ng PEP ang young actor sa SOP last Sunday, July 1, nilinaw niya agad na wala raw ligawan at hindi siya gumagawa ng anumang hakbang para magkalapit ulit sila ng loob mi Marian.



"Yang isyu na ‘yan, malabo ‘yan," paglilinaw ni Mark. "Parang ang nangyari kasi, nagkaroon kami ng issue dahil nagkasama kami sa Maynila taping. Siguro ‘yon ang pinagbasehan ng iba kaya nagkaroon ng ganung balita.

Dagdag pa niya, "It's true na nag-usap kami ni Marian, pero hanggang dun lang ‘yon."

Since Mark is very open in saying that he's not in any relationship right now, at balita na wala rin namang boyfriend or special someone si Marian, hindi kaya magkaroon ng Part 2 ang Mark-Marian love affair?



"Di ko masabi," sagot ng young actor. "Kaya lang, ang dami nang dumaan, mga nangyari. Right now kasi, okay na sa akin 'yung ganito, steady ako.

"Ayokong magsalita na may gusto akong balikan, gusto ko or mahal ko pa si ganito. Masaya na ako sa ginagawa ko, focused ako sa work ko. Ayoko munang pumasok sa relationship."

Samantala, mukhang naka-move on na talaga si Mark sa relasyon nila ni Jennylyn Mercado. Alam kasi niya na masaya na ang kanyang ex-girlfriend sa piling ng bagong boyfriend nitong si Patrick Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I'm happy for them, I'm happy for Jen. Di na kami gaanong nagkakasama, except kapag may projects. Pero pag nagkita naman kami, we're civil. Di na rin kami nagte-text para iwas gulo na rin," pahayag ni Mark.

Speaking of Patrick, kumusta naman ang working relationship nila sa Fantastic Man?



"Okay naman kami," sagot ni Mark. "Before, nagkaproblema, pero so far, okay naman kami. 'Yung friendship na ako and si Rainier [Castillo], di pa kami ganun ni Patrick. Siguro parang bagong StarStruck, ganun lang. Sa trabaho, wala akong mairereklamo sa kanya, professional naman siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN