Joross Gamboa introduces his new inspiration


"Sa ngayon, ang masasabi ko lang is that we're both happy. Masaya kami being together. Marami pa kasing dapat asikasuhin..." says Joross Gamboa about his relationship with rumored girlfriend Carisheila May Kujipers.


Nang minsang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Joross Gamboa ay may kasama itong matangkad, sexy, at magandang babae. Hindi naman ipinagkait ni Joross ang pagpapakilala sa kanya at ang pangalang sinabi ay Cay.



Later on, PEP found out that the real name of the girl is Carisheila May Kujipers. Cay is Fil-Dutch since her mother is a Filipino and her father is from the Netherlands. Pero si Cay ay nag-aaral at graduating na ng Business Management course sa Malaysia. Marami na rin daw siyang nagawang TV commercials sa naturang bansa, pati na sa Hong Kong.



Si Cay rin ang napapabalitang ka-MU or nililigawan ni Joross, though tipong long-distance love affair ang kanilang relasyon .

Tinanong ng PEP si Joross kung sila na ba ni Cay at kung gaano na katagal ang kanilang relasyon.

"Sa ngayon, ang masasabi ko lang is that we're both happy. Masaya kami being together. Marami pa kasing dapat asikasuhin like, sa part niya, by September, babalik ulit siya sa Malaysia to finish her study.

"So, we don't want to rush things. Minsan kasi, kapag nira-rush mo ang mga bagay-bagay, mas hindi pa nagiging maganda ang turnout," paliwanag ng young actor.

Last month lang daw dumating sa Pilipinas si Cay for a vacation at habang nandito nga ang dalaga, hindi itinanggi ni Joross na silang dalawa ang madalas na nagkakasama. 'Yun ay kapag free si Joross sa kanyang showbiz commitments at walang pasok sa school, kung saan naka-enroll ang young actor as a MassComm student sa Southville International.



Hindi rin itinanggi ni Joross na kilala na niya ang parents ni Cay at kasundo rin ng pamilya niya ang dalaga. Minsan nga raw, when they go out, si Cay pa ang nagsasabi kay Joross na isama nila ang pamilya niya.



Dahil sa sobrang kahiligan sa computer game na Dota, ito raw ang naging daan ng pagkakakilala nila ni Cay. Minsang naglalaro raw kasi si Joross sa Internet shop ay may nakita siyang gamit sa tabi ng PC, na naiwan pala ni Cay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pinsan daw ni Cay ang nagpakilala sa kanila at nagkataon ding sa iisang village lang sila nakatira, sa BF ParaƱaque.



Kung may nagugustuhan man daw si Joross sa girl, bukod sa obviously ay pagiging pretty nito, ay ang magandang ugali nito at pagkakaroon ng focus sa kanyang future.



"Pareho kasi kaming marami pang gustong gawin," sabi ni Joross. "Siya, after ng school, may mga gusto na siyang gawing work na, preferably, outside the country rin daw. Gusto niya talagang magamit 'yung pinag-aralan niya.



"She's also into sports. Mula nga nang dumating siya, pati ako,biglang nahilig sa golf. Badminton naman, dati ko pang ginagawa, pero bumalik 'yung interes ko. Minsan, ako naman ang mag-i-introduce sa kanya ng paborito kong laro which is basketball," natatawang pahayag ni Joross.



Since commercial model na ang dalaga sa ibang bansa, sa looks ay siguradong papasa rin itong artista. What if one day pasukin din nito ang showbiz, papayagan ba ni Joross?



"Hindi siguro! Magiging selfish muna ko ngayon!" natatawa niyang sagot habang si Cay na nasa tabi naman ay ay umiiling-iling lang. "Biro lang... nasa kanya naman 'yun. May mga dati pa raw kumukuha, pero ayaw niya talaga. Kahit sa commercial, mas type niyang gumawa sa ibang bansa."



Sa huli, aminado si Joross na isa ang dalaga sa nagbibigay ng ibang kulay sa buhay niya ngayon. Pero ayaw raw nilang madaliin ang lahat dahil pareho nilang alam kung ano pa ang mga dapat nilang i-prioritize.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN