Pop singer Sarah Geronimo not yet ready for Cupid


"Isip-bata pa kasi ako. Tapos, masyado po akong sensitive at madali akong mapaniwala o gullible. Madali po akong maloko, kaya ‘yon po ang iniiwasan ko. Hindi pa po kasi ako mature enough para sa age ko. Isip bata pa po talaga!" says 19-year-old Sarah Geronimo.



Pop princess Sarah Geronimo is turning 19 on July 25, but up to now ay hindi pa rin niya natatagpuan ang "prince" na magpapatibok ng puso niya.



"Boring nga po ang buhay ko, e. Walang thrill!" natatawang sagot ni Sarah nang usisian ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring boys na nali-link sa kanya o napapabalitang nanliligaw.



Ang mga ibang teenage girls nowadays na ka-age or even younger than Sarah ay busy na with boys, pero siya ay inosente pa rin sa pakikipag-boyfriend at puro work ang inaatupag.



"Abnormal po ako, e!" nakangiting hirit ng teen diva at napatawa kami.

"Ang ibig ko pong sabihin, isip-bata pa kasi ako," paliwanag niya. "Tapos, masyado po akong sensitive at madali akong mapaniwala o gullible. Madali po akong maloko, kaya ‘yon po ang iniiwasan ko. Hindi pa po kasi ako mature enough para sa age ko. Isip bata pa po talaga!

"Hindi ako kagaya ng iba. Naku, pag nakita n'yo po ako sa bahay, para po akong ewan!" bulalas niya.

Natawa si Sarah nang tanungin ng PEP kung naglalaro pa siya hanggang ngayon ng "jackstone" (lumang laro na pambata) sa bahay.

"Wala na po yatang jackstone ngayon e. Pero kung meron po, maglalaro pa rin po ako," sagot ng dalaga.

PlayStation daw ang nilalaro niya pag nasa bahay at mahilig din siyang mag-drawing ng mga animé characters at mag-sketch ng mukha—the same talent as her idol Regine Velasquez.

Biro tuloy namin kay Sarah, baka sa sobrang pag-a-idolize niya kay Regine ay abutin din siya ng 37 years old bago siya magkaroon ng boyfriend?

"Okay lang po, why not?" mabilis na sagot ni Sarah while flashing a sweet smile.

Follow-up namin, what if hiwalay rin sa asawa ang maging boyfriend niya?

"Hiwalay naman po, e!" hagikhik niya.

"Pero ayoko na pong mag-comment diyan. Takot ako!" natatawang iwas ng bagets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, okay lang sa kanya na hiwalay sa asawa ang maging boyfriend niya like Ogie Alcasid to Regine?

"Basta wala pong naaagrabyado at malinis lahat ang both parties," pasubali niya.

"Tingin ko naman po, alam na nila [Regine and Ogie] kung ano 'yung tama," safe na sagot ni Sarah, na nakahalatang iniintriga namin siya.

Today, July 4, ang start ng rehearsal ng teen diva for her upcoming pre-birthday concert entitled Sarah Geronimo in Motion to be held at the Araneta Coliseum on July 14.

Nabanggit ni Sarah sa PEP na aside from the usual song numbers ay marami siyang dance numbers dito, that's why it's called "In Motion."

Meron daw silang singing showdown at dance showdown ni Ai-Ai delas Alas. Kakarerin din daw niya ang hataw numbers niya with Gary V. and John Prats. Her other guest performers are Jericho Rosales, Mark Bautista, Sam Milby, and Mr. Louie Ocampo.

In the said concert ay may six to eight costume changes si Sarah na gawa ng tatlong designers—Rajo Laurel, Rhett Eala, and Edwin Ocampo.

Si Rajo, na favorite designer ni Sarah ang gumawa ng white beaded gown na suot niya when she was named Star For A Night's champion back in 2002.

Si Rhett Eala ang gumawa ng gowns niya during the weekly finals, up to the semifinals ng SFAN. Si Edwin Ocampo ay nakilala niya sa Qatar when she did a show there. Mga damit ng royal family ang ginagawa ni Edwin doon.

After her Big Dome stint ay may birthday concert si Sarah at the Clark Expo in Pampanga on July 21.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN