Lovi Poe defends Cogie Domingo against gay benefactor issue


Lovi Poe, daughter of the late Fernando Poe Jr with former commercial model Rowena Moran, dismisses the rumor that her screen partner Cogie Domingo, who she knows to be a religious person, has a rich and influential gay benefactor. The two young actors star in the TV series Magpakailanman.



Diretsahang sinabi ng young star na si Lovi Poe na aware siya sa intrigang mayroong rich and influential gay benefactor ang dati niyang ka-loveteam na si Cogie Domingo, subalit hindi siya naniniwala rito.

"Naririnig ko rin, pero hindi ko naman ma-judge ‘yong tao. Kasi, ibang Cogie naman ang nakikita ko, ang kilala ko. Sobrang bait kasi ni Cogie, pero let's not judge the person naman," pahayag ni Lovi sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Magpakailanman para sa episode na "Siguro Bukas o Sa Makalawa" na tinatampukan din ni Marky Cielo.



Ano ang na-feel niya nang unang marinig ang usap-usapan tungkol kay Cogie?

"Actually, parang wala lang, parang ‘Talaga?' Ganoon lang. Kasi hindi ko naman nakikita sa kanya na magagawa niya ‘yon. Parang hindi ko naman na-feel when I'm around him e," paliwanag ni Lovi.

Napag-uusapan ba nila ni Cogie ang naturang intriga sa young actor?

"No, not at all," tugon ni Lovi.

"Kasi, kahit kami ni Cogie," patuloy niya, "kahit may sarili akong issues na nakikita niya, never siyang nakialam. Hihintayin muna niya akong mag-open-up, and that's when we talk about it.

"Pero si Cogie kasi, hindi siya namemersonal, e. Iyon nga ang gusto ko sa kanya dahil ang bait niya. Kahit parang feeling ko, ako ang nasasaktan tuloy sa mga naririnig ko about him, pero hindi siya affected at all. Kasi parang wala lang sa kanya, e."

Idinagdag pa ni Lovi na kilala niya nang lubusan ang young actor kaya hindi siya naniniwala sa issue.

"That's what I believe in and whatever it is that Cogie has," sabi ni Lovi. "I believe that he is on the right path, kasi religious na tao ‘yan, e. Nagulat nga ako. 'Yung [belief] niya kay God, nandoon. Kaya imposible namang maging totoo ang tsismis na iyon."

Samantala, ipinahayag ni Lovi na gusto niyang maging versatile actress katulad ng mga iniidolo niyang sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Super-fan talaga ako ni Sharon Cuneta. First of all, fan na ako ni Sharon before as an actress. Pero nang nakilala ko siya, lalo niya akong naging fan dahil ibang klase talaga siya as a person e. Kahit na noong wala pa ako sa showbiz, talagang kapag napapanood ko si Tita Sharon, talagang wow!

"Gusto ko ring maging kagaya niya, of course. I think everybody wants to be like her in this business, kasi parang she's one person that I really look up to. Kasi, she's a very good actress, plus she's very, very nice. Kaya I really believe in her.

"Pero hindi naman talaga ako susunod sa kanya, as in, kasi, it's gonna be hard to fill the shoes of Sharon. Pero, parang...sana lang, kahit kalahati ng galing niya ay makuha ko rin.

"Isa ko pang super-favorite ay si Regine Velasquez dahil super-galing niya, e. Mahirap sundan ang yapak nilang dalawa, pero super idol ko sila at super fan nila ako," nakangiting pagtatapos na ng 18-year-old actress-singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN