Andrew Schimmer: Katrina and Cristine are both sexy


Young actor Andrew Schimmer clarifies an earlier report that he allegedly said Cristine Reyes (inset, below) is sexier than his ex-girlfriend Katrina Halili (inset, above). "Hindi ko po sila pinag-compare sa interview sa akin," says Andrew.


Isang taong nagpahinga sa showbiz si Andrew Schimmer, na unang nakilala as part of the second generation of Guwapings na tinawag na G4. He is now a Viva Artist Agency (VAA) talent, co-managed by the team of Jeffrey Gamil and Manny Ballester—na siya ring may hawak sa StarStruck graduates na sina Nadine Samonte and Cristine Reyes of Batch 1, Kirby de Jesus of Batch 2, and Stef Prescott of Batch 4.

Dalawa na lang sila ni Benjamin Basa, now part of Star Magic Batch 15, na active. Hindi na visible ang dalawa pang kasama nila sa G4 na sina Kiel Rodriguez at Jay Aquitania.

Sa pagbabalik-showbiz ni Andrew, dalawa agad ang nakatakdang gawing pelikula niya: Green Paradise, an independent movie with international connections, and Four-In-One ng OctoArts to be directed by Wenn Deramas.

Si Andrew ang leading man ni Cristine Reyes sa Green Paradise.

Sa isang write-up, na-quote si Andrew na sinabing mas sexy para sa kanya si Cristine kesa sa ex-girlfriend niyang si Katrina Halili.

"Hindi po ganoon ang sinabi ko. Ang sabi ko, ang sexy din pala ni Kristine," paglilinaw ni Andrew sa presscon na ibinigay ng VAA last Tuesday, July 3.

"Si Katrina po kasi, given nang sexy [siya]. Kaya nga nag-top twice sa FHM kasi alam ko namang sexy siya. Nagulat ako na si Kristine, may katawan din pala.

"Hindi ko po sila pinag-compare sa interview sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganoon lumabas ang interview."

Hindi rin daw manliligaw si Andrew kay Kristine just for the sake of their movie's promotion.

Samantala, handa na rin magpa-sexy si Andrew sa Green Paradise na magsisimula nang mag-shooting middle of this year sa Zambales. Nagdyi-gym na siya almost every day para gumanda ang katawan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN