Direk Lauren Dyogi: "Pinoy Big Brother" leakage is not true


Pinoy Big Brother business unit head Lauren Dyogi explains how easy it is to speculate on the winner, with only four contenders left on the Big Night.


Sa press con na ibinigay ng ABS-CBN para sa Pinoy Big Brother (PBB) Big 4—Beatriz Saw, Mickey Perz, Wendy Valdez, and Gee-Ann Abrahan—kahapon, July 4, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang business unit head ng PBB na si Direk Lauren Dyogi.

Nilinaw ni Direk Lauren ang kumalat na balita tungkol diumano sa leakage sa Big Night ng PBB. Ayon sa nakuhang report ng PEP (Philippine Entertainment Portal), hapon pa lang noong June 30 ay may lumabas na "leakage" na si Bea raw ang mananalo at kung anong kulay ng gowns ang isusuot nina Bea (white) at Wendy (black).

Tumama ang hula na si Bea ang mananalo, pati ang kulay ng gown niya at maging kay Wendy. Pero sumablay ang leakage na 2nd big placer na si Wendy samantalang third big placer si Mickey. Nagkabaligtad sila ng posisyon, si Mickey ang pumangalawa at si Wendy naman ang naging third place.

Paliwanag ni Direk Lauren: "With regards to the leakage, unang-una, I think nung ni-release namin 'yung actual votes ni Nel [Rapiza], I think that was a Tuesday [June 26]... tapos sa percentages, madali nang mag-speculate, madali ka nang kumuha ng actual numbers at madali mo nang ma-track, more or less, kung ano 'yung magiging scores nila. And it's easier to assign names already. Kasi kung sa tingin ninyo malakas si Bea, madali na siyang i-assign sa highest.

"Now, as far as the gowns are concerned, I know for a fact na a week before pito pa lang sila, nag-a-assign na kami ng designers. Nagpapahanap ng designers kung sino ang magbibihis.

"So, pwede ring nasabi na, ‘O, si Larry Espinosa puti ang gown na maa-assign.' So, may mga ganun na kami. Dahil ‘yon din ang prinoblema namin sa spoof naming dun sila Jon [Santos]. We already contacted seven stand-up comedians para just in case kung sino ang malalaglag, sasabihan na lang namin na tatanggalin na lang ang portion. But we were already preparing as early as Nel was inside the house. Si Chokoleit nga dapat ang magne-Nel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, may mga ganun na kaming assignments. Kasi nga, the whole week will be tight kung doon lang kami magdedesisyon. So, I think, even with the gowns, ganun na rin siguro ‘yon. It could have come from—and I was just speculating—sa nabanggit na designer. ‘Uy, kinontak ako ni Bing Cristobal para magbihis kay ganito.'

"So, madali nang pagdugtung-dugtungin 'yung mga ibang facts. And then, since apat na lang sila, it's easier now to assign the names or the particular numbers and even to the gowns. So, they could always accuse us na, ‘Ah, sigurado nang winner si Bea.' Kasi siya 'yung naka-puti. Or sigurado na si ganito. Ang dali nang puwedeng paglaruan noon. But then again, they only release the official number during the finals.

"Ako, honestly, I would admit nakikita ko ‘yung [votes], because every eviction nakikita ko naman 'yung final tally. So, more or less, nararamdaman namin kung paano pupunta ‘yung votes."

Mariin ding sinabi ni Direk Lauren na walang weight ang suot na puting gown ni Bea that night. Nagkataon lang daw na ang designer na si Larry Espinosa, na nagdamit kay Bea, ay mahilig talaga sa kulay puti.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN