Are Cesar Montano and Sunshine Cruz headed for splitsville?


Rumors are circulating that couple Cesar Montano and Sunshine Cruz have separated. At press time, Sunshine remains silent about the report and Cesar, who was the first to leave home, is somewhere out there.



Mabilis na nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balitang hiwalay na diumano ang mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz. Agad tinawagan ng PEP ang isang malapit na tao kay Sunshine upang kumpirmahan ang nasabing balita.

Kinumpirma ng PEP source na wala na nga ang dating sexy actress sa tahanan nila ni Cesar sa Sct. Rallos, Quezon City.



Ayon pa sa source na malapit kay Sunshine, naunang umalis ng bahay si Cesar. Nakailang tawag at text na raw si Sunshine kay Cesar, pero hindi raw ito sinasagot ng aktor. Hanggang sa nagdesisyon na diumano na umalis si Sunshine sa bahay nila ni Cesar bitbit ang kanilang mga anak na babae.



Kasalukuyang nasa bahay na mga magulang niya ngayon sa ParaƱaque si Sunshine at mga anak nila ni Cesar.

Hindi naman malaman kung saan nagpunta ang multi-awarded actor-director



Duda ng aming source, may kinalaman ang isyu sa kumalat kamakailan tungkol sa pagpunta ni Cesar sa girlie bar sa ParaƱaque, ang AirForce 1. Posible raw na ito ang naging dahilan ng tampuhan nila ni Sunshine pagdating ni Cesar mula sa US.



Matatandaang nasa US si Cesar nang lumabas ang isyu ng pagpunta niya sa girlie bar.

Ayaw magbigay ng pahayag as of the moment ni Sunshine, pero nagpadala naman siya ng text message sa aming source.



Ayon sa text message ni Sunshine, "I would rather not comment on anything for now. Thanks so much for understanding."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN