Bodie Cruz-Gee-Ann Abrahan-Mickey Perz love triangle continues outside PBB house


(From left) Mickey Perz, Gee-Ann Abrahan, and Bodie Cruz form a love triangle that started during the last few weeks of Pinoy Big Brother Season 2. Now that they have come out, the two gentlemen are still determined to win Gee-Ann's heart.



Very vocal ang Pinoy Big Brother 2 ex-housemates na sina Mickey Perz, Gee-Ann Abrahan, at Bodie Cruz ng totoong nararamdaman nila para sa isa't isa. Sa press con na ibinigay para sa Big 4 ng PBB at kay Bodie kahapon, July 4, sa ABS-CBN compound, walang narinig na "close friends lang kami" na kadalasang sinasabi ng mga artista tuwing tinatanong tungkol sa lovelife nila.

Inamin ni Mickey na ang unang crush niya among the housemates ay si Wendy [Valdez], pero later on ay nabaling ang atensiyon niya kay Gee-Ann.

"Pag sinabi po namang crush, hindi naman ibig sabihin noon, love ko na siya," nakangiting paliwanag ni Mickey. "Crush ko pa rin po sila pareho, pero si Gee-Ann, mas naging close kami sa Bahay ni Kuya noong last few weeks, lalo na nang magkaroon sila ng misunderstanding ni Wendy."

Itutuloy ba niya ang panliligaw kay Gee-Ann? Ano ang mararamdaman niya kung si Bodie ang piliin ng dalaga?

"Opo," sagot ni Mickey. "Pero kung si Bodie po ang magugustuhan ni Gee-Ann, I'll be happy for her. Alam ko naman, aalagaan siya ni Bodie."

Speaking of Bodie, at 21 years old, ay may bansag na kay Bodie—"NGSB o No Girlfriend Since Birth." Mas pinagtuunan daw kasi ni Bodie ang kanyang pag-aaral kesa manligaw noon, plus mas gusto niyang kabarkada ang mga kapatid niyang sina TJ at Djanin.

Pero sa PBB house ay inamin ni Bodie na nagka-crush siya kay Saicy Aguila, until naging close na sila ni Gee-Ann. Pero kahit tila itinutulak na siya ni Kuya kay Gee-Ann ay hindi pa rin siya gumawa ng hakbang.

"Ayoko naman pong gawin ‘yon habang nasa loob kami ng bahay ni Kuya. Mas gusto ko pong gawin ang panliligaw sa kanya kapag nakalabas na kami," sabi ni Bodie, na nagging last evictee ng PBB.

Ginagawa na ba niya ito ngayong nakalabas na sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo," sagot ni Bodie. "Itinutuloy ko na po ang panliligaw sa kanya. Gagawin ko po ang lahat, I'll be always there for her. Nakalabas na rin po kami ni Gee-Ann with Wendy and Bruce [Quebral]."

Nang si Gee-Ann naman ang makaharap ng PEP ay tinanong namin siya kung sino ang mas gusto niya between Mickey and Bodie.

"Iba po si Mickey, iba rin si Bodie," sabi ni Gee-Ann. "Si Mickey po, friend po lang talaga siya, pero nandoon siya lagi sa tabi ko noong feeling ko ay down na down ako.

"While nasa house kami, lagi ko lang tinatawag si Mickey. Si Bodie naman po, he makes me laugh. Na-miss ko po siya nang ma-evict siya two nights bago ang Big Night namin. Saka marami po kaming similarities ni Bodie."

Dahil mahilig sa dolls si Gee-Ann, ibibigay kaya ni Bodie sa dalaga, kung saka-sakali, ang manika noon ng ama niyang si Tirso Cruz III at ng ka-loveteam nito noon na si Nora Aunor na pinangalanan nilang Maria Leonora Theresa? Matatandaang ipinasok sa loob ng PBB house ang manika nina Guy & Pip bilang bahagi ng task ni Bodie.



"Opo naman, pero ipagpapaalam ko pa po sa daddy ko," sabi ni Bodie. "Maayos pa po ang manika nina daddy at Ninang Guy. Inalagaan po kasi iyon ni Mommy Elma [Bodie's grandmother] noong nabubuhay pa siya."

"Ako po ang nag-alaga kay Maria Leonora Theresa noong nasa bahay, kasama ng doll kong si Pamela at si Trevor," sabi naman ni Gee-Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN