Angel Locsin crossing over to ABS-CBN requires GMA-7 walking papers


The buzz is strong that Angel Locsin and her manager, Becky Aguila, are negotiating with ABS-CBN for her transfer from GMA-7. The young actress did not renew her co-management contract with Artist Center and rumor has it that she and her manager are determined to switch channels.



Kinumpirma sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng isang source mula sa ABS-CBN na may naganap na negosasyon sa pagitan ng Kapamilya Network at kampo ng Kapuso star na si Angel Locsin.



Mahigit dalawang linggo na ang usap-usapan tungkol sa hindi na pag-renew ng co-management contract ni Angel at ng manager nitong si Becky Aguila sa GMA Artist Center. Ito ay pagkatapos magkaroon ng issue tungkol sa hindi diumano pagtanggap ni Angel ng lead role sa Marimar, ang Pinoy version ng Mexican telenovela of the same title.

Nagkaroon ng iba't ibang argumento tungkol dito. Ayon sa isang mataas na opisyal ng GMA-7 ay wala naman daw pormal na offer kay Angel to play the role of Marimar. Ayon naman sa kampo ni Angel, kung walang offer, bakit naman sila tatanggi.

Kasunod nito ay lumabas sa ilang tabloid ang mga negatibong artikulo tungkol kay Angel. Diumano, naging problema si Angel sa taping ng Asian Treasures noong mga huling linggo ng kanilang tapings. Nandiyan din daw na sinisigawan niya ang staff at nakikipagtalo sa fight-scene instructor.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng kanyang panig si Angel tungkol dito.

Sumunod na issue, hindi na raw pinapirma ng bagong kontrata ni Becky si Angel sa Artist Center dahil gusto na raw nilang lumipat sa ABS-CBN, at may negotiation na nga silang ginawa sa kalabang network ng GMA-7. Pinabulaanan ito ni Becky, wala raw silang ginagawang negosasyon sa Kapamilya Network. Pero dahil daw sa mga lumalabas na intriga, parang nag-iisip na siya na totohanin na nga ang balitang iyon.

Last June 28, sa presscon ng Pinoy Big Brother evictees sa 9501 restaurant ng ABS-CBN ay may nakausap na taga-Kapamilya Network ang PEP. Ayon sa aming source ay may gagawin diumanong project si Angel sa ABS-CBN na ang title ay Super Angel. Pero tila mahirap itong paniwalaan dahil nag-deny nga si Becky na nakipag-negotiate siya sa ABS-CBN at wala ring maidetalye ang source kung totoo nga ang kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahapon ng tanghali, July 4, sa presscon ng PBB 2 winners ay may nakausap muli ang PEP na konektado rin sa ABS-CBN. Wika ng aming source:

"Sayang si Angel [Locsin], may magandang offer sana ang ABS-CBN sa kanya pero mukhang malabong makalipat siya rito. May gagawin na sana siya rito na Daddy's Angel with Christopher de Leon at may isa na ring movie na gagawin sa Star Cinema. Pero nang makipag-usap sila at hanapan ng walking papers from GMA Network, na sinasabing puwede na silang lumipat sa ibang network, wala naman silang mai-present."

Tanong ng PEP, ano naman 'yong Super Angel na sabi'y gagawin ni Angel para sa ABS-CBN?

"Hindi ako aware sa Super Angel, ang alam ko ay ang Daddy's Angel," sagot ng aming nakausap. "Pero kahit ano ang project na ibigay sa kanya, hindi magiging posible kung wala siyang maipi-present na walking papers from GMA. Sa Star Cinema [film arm ng ABS-CBN], baka puwede, kung papayagan siya ni Mother Lily ng Regal."

Sa pagkakaalam ng PEP ay may kontrata pa rin si Angel sa Regal Entertainment.

May nakuha ring impormasyon ang PEP na balak itambal ng ABS-CBN si Angel sa isa sa top male stars ng ABS-CBN, si Piolo Pascual. May offer din daw kay Angel na gumawa ng teleserye kasama si Piolo, lalo pa't malapit nang matapos ang Walang Kapalit ng young actor atni Claudine Barretto at hindi pa rin nareresolba ang alitan sa pagitan ni Piolo at ng dati niyang kapareha na si Judy Ann Santos.

Kung sakali ngang matuloy ang paglipat ni Angel sa ABS-CBN at itambal siya kay Piolo, hindi ito ang unang pagkakataon na magkakasama sila sa iisang proyekto. Sina Angel at Piolo ay magkapareha sa isang instant coffee commercial at sa isang ad ng mamahaling relo.

Samantala, nabalitaan ng PEP na nakipag-meeting na raw si Becky sa management ng GMA-7 last July 3. Kinumpirma ng isang konektado sa Kapuso Network ang naturang meeting, pero ayaw nitong magbigay ng karagdagang impormasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malalaman daw ito kapag bumalik na si Angel galing sa United States, kung saan magkakaroon ng premiere showing ang pelikula niyang Angels sa ilang key cities sa US. Ngayong araw ang alis ni Angel papuntang US.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN