Jay Manalo detained for talking about bomb inside the plane


Actor Jay Manalo was detained in the Immigration room of the Centennial Airport today for allegedly talking about "bomb" inside the plane.



Sumulat sa Wish Ko Lang si Cristina Laus, ang bunso at natitirang anak ng babaeng umampon at nag-alaga noon na si Jay Manalo, na kung puwede ay bisitahin ng half-Vietnamese actor ang kanyang ina sa Palawan.

Tinawagan naman ng Wish Ko Lang si Jay para ipaabot ang request ng anak ng nag-alaga sa kanya at agad na pumayag ang acktor.

Kaninang umaga, July 5, sa 8 a.m. flight ng Philippine Air Lines (PAL) patungong Palawan, naka-board na si Jay kasama ng mga Wish Ko Lang staff. Habang naghihintay for take-off, nakipag-usap daw si Jay sa katabi niyang staff at ang isa sa mga napag-usapan nila ay ang nabasa ng aktor na artikulo sa isang magazine tungkol sa bomba.

Ang katagang "bomb" daw ang narinig ng stewardess. Hindi pa lumilipad ang eroplano, inimbitahan diumano si Jay na bumalik sa airport. Dinala rin ang gamit niya na nasa eroplano na—causing the flight's delay—para halughugin ito.

Na-detain din si Jay sa Immigration room of the Centennial Airport.

Nag-explain si Jay na hindi siya nagbibiro o nananakot, napag-usapan lang ang tungkol sa bomba.

Tanghali sa GMA Flash News report, ibinalita na agad ang pagkaka-detain ni Jay but with no details.

Five minutes after ibalita sa GMA-7, tumawag na rin agad ang handler ni Jay sa DMV Entertainment na si Chino Sarenas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) para mag-explain kung ano talaga ang nangyari.

Pinapayagan naman daw kasi si Jay to communicate while detained kung kaya't nakakausap din nila although wala pang bisitang pinayagang makita siya.

Jay is the second actor this year na na-detain sa airport tungkol sa bomba. The first was John Estrada na nagbiro sa General Santos City Airport.

At press time ay naka-detain pa rin si Jay sa Centennial Airport. Kung makakalabas siya ay tutuloy pa rin daw siya ng Palawan para sa Wish Ko Lang. Hindi rin daw siya magrereklamo sa stewardess na nagsumbong sa mga airport officials.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN