PEP source: "Angel Locsin stays with GMA-7."


There's a big chance that young actress Angel Locsin will stay with her home network, GMA-7, after all. Angel and her manager, Beck Aguila, were spotted coming out of Shangri-La Hotel on EDSA a few minutes ahead of the executives of GMA-7. The parties involved were reportedly in a jolly mood.


Isang text message ang natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source na konektado sa entertainment industry. Ibinalita ng texter na naispatan niya palabas ng Shangri-La Edsa Hotel sina Angel Locsin at ang manager nitong si Becky Aguila noong Martes ng gabi, July 3.



Nakita rin ng PEP source in the same hotel ang executives ng Kapuso Network. Hindi matandaan ng texter kung sino ang una niyang nakita kina Angel at ang manager nito at sa top guns ng GMA-7, pero sigurado siya na iisa ang pinanggalingan ng parties involved.



Updated sa showbiz news ang texter kaya inisip niya na natuloy ang meeting ng dalawang kampo na dapat noong Lunes, July 2, ginawa. Pareho ring masaya ang aura nina Angel, Becky, at ang executives ng GMA-7. Naniniwala ang texter na maganda ang kinalabasan ng paghaharap ng dalawang kampo.



Nagtanung-tanong ang PEP at kumpirmadong nakipagkita at nakipag-usap that night sa nasabing hotel sina Angel at manager nito sa bosses ng Kapuso Network. Simple at direct to the point ang sagot sa PEP ng aming tinanong tungkol sa resulta ng meeting: "Angel stays with GMA -7."



Hindi nga lang ma-interview ng PEP sina Angel at Becky tungkol dito dahil umalis sila kanina, July 4, para sa US premiere ng Angels. Pero tiyak na sa kanilang pagbabalik ay ang tungkol sa meeting nila with GMA-7 ang uusisain ng press sa kanila. Sayang, dahil hindi magsasalita ang executives ng network na nakipag-usap sa young actress at sa kanyang manager.



So, kung wala nang magiging problema hanggang pagdating nina Angel at Becky, tuloy na ang next project niya sa GMA-7 after her fashion designing crash course sa London. Magpu-push through din siguro ang pinaplanong movie ng Regal para sa kanila ni Dennis Trillo na namiligro ring hindi matuloy dahil sa balitang hindi lang sa ABS-CBN ililipat ni Becky si Angel, kundi pati rin sa Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN