Wendy Valdez on the dating game: Bruce Quebral present, Paolo Bediones past


Pinoy Big Brother ex-housemate Wendy Valdez (center) is now involved with co-housemate Bruce Quebral (right). She admits that she also dated TV host Paolo Bediones (left).



Ikinuwento ng kontrobersiyal na Pinoy Big Brother (PBB) third placer na si Wendy Valdez na right on the Big Night ay nag-date sila agad ng co-housemate at boyfriend niyang si Bruce Quebral.

Madalas din daw magkasama sina Wendy at Bruce sa TV guestings sa ABS-CBN. Sa kabila nito, marami ang nagdududa na baka ipagpalit din ni Bruce si Wendy sa ibang babae, gaya ng ginawa ng binata sa ex-girlfriend nito.



"Actually, nung tinanong niya [Bruce] ako sa Bahay, sabi niya, ‘Dahil alam mo 'yung mga nangyari with my past relationships, are you still willing to give me a chance to have a relationship with you?'



"Sabi ko sa kanya, ewan. Siyempre, siguro feeling niya na ano pa ang puwedeng mangyari. Everything is possible naman in a relationship. And kahit hindi naman ‘yon ginawa ni Bruce before, puwede rin niya ngayong gawin if ever.



"So, alam mo ‘yon, hindi mo ‘yon masasabi. There's always a possibility that relationships might end. And depende ‘yon kung sino 'yung mag-e-end. Pero ako siguro, I'm not afraid to get hurt anymore. Kasi parati naman akong nasasaktan.

"Pero siguro positive outlook na lang. Kung anuman 'yung nangyari sa past relationships, hindi naman ako 'yung tao na ‘yon. I'm a different person. So, siguro iba 'yung magiging attack kung magkakaroon kami ng relationship. I'm not scared at all. Pero hindi pa natin alam kung ano ang mangyayari. Tingnan na lang natin," mahabang pahayag ni Wendy sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na ibinigay ng ABS-CBN para sa PBB Big Four last July 4.

Masaya naman si Wendy for Bruce dahil balitang may movie offer na ang binata sa Regal Entertainment. Pero balita ring kinukuha si Wendy para sa pelikulang Banal, isa sa mga nakapasok sa 2007 Metro Manila Film Festival. Bukod dito, may isa pang offer na movie kay Wendy ang isang big movie outfit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naungkat din ang isyu ng pagungutang diumano ni Bruce sa ex-girlfriend niya. What if mangutang din si Bruce kay Wendy, pautangin kaya ng dalaga ang co-housemate at boyfriend niya?

"Hindi naman siya nangungutang," sabi ni Wendy. "Actually, nung lumabas kami, trineat ko siya pero ayaw niya akong pagbayarin. Ayaw niya talaga. Kahit sa food lang. So, kahit siguro i-joke ko siya na papautangin ko siya, ayaw niya, e. Pero kung uutang talaga siya, why not?"



Samantala, natanong din si Wendy kung totoo ba na nagkaroon siya ng relasyon with TV host Paolo Bediones?



"Ayoko na ‘yang pag-usapan," pag-iwas niya. "Kasi dati, we used to go out. Nakakatawa kasi kapag siya ang tinatanong about me or any girls, ayaw niya. Ayaw daw kasi niya nung nada-drag ang pangalan niya. So, bakit ko pa siya babanggitin?

"Siguro nga, feeling ko, kaya ako natanggal agad sa Extra Challenge kasi baka magkaroon agad ng isyu na dahil we used to go out. Anyway, hindi na kami nag-uusap, super tagal na. He's a nice person pa rin naman. Pero hindi na kami nag-uusap."



Paano ba sila nagkakilala ni Paolo?



"Sa Binibining Pilipinas," sagot ni Wendy. "Tapos nag-guest ako dati sa S-Files nung naging Bb. Pilipinas Tourism 2005 ako. We talked a lot. Then, pinakuha niya ang number ko nung mag-guest kami. Tapos, ayun, we went out. Basta, may mga nangyari kaya bigla na lang kami hindi nag-usap."



Totoo ba na nag-offer si Paolo ng kasal sa kanya?



"Ay, hindi!" mabilis na tanggi ni Wendy. "Nabanggit lang niya sa akin nung friends na lang kami, na malapit na raw 'yung time for him to get married. Ganun ang mga sinasabi niya, pero hindi naman directly na nag-offer sa akin."



Nag-on ba sila officially o exclusively dating?



"Uhm, we dated," sabi niya. "Pero hindi ko rin masabi na exclusively dating kasi hindi ko alam kung meron siyang ibang dini-date. Pero ako, siya lang ang idini-date ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Paano kapag i-deny siya ni Paolo?



"Actually, nagtataka nga ako kung saan ‘to nanggaling. Kasi ngayon, super denial king siya. So, ako, parang ayaw ko rin siyang... parang gusto ko ring walain, di ba?



"Huwag na rin siyang isali kasi ganun naman siya, e. So, bakit parang ngayon sinasali siya sa pangalan ko? So, huwag na," mataray na sabi ni Wendy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN