"Wish Ko Lang" story postponed due to Jay Manalo's airport detention


Wish Ko Lang host Vicky Morales was supposed to feature Jay manalo's reunion with the woman who took care of him when he was still a child. But because the actor was detained at the airport, the taping had to be postponed.



Nakasabay ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang newscaster at host ng Wish Ko Lang na si Vicky Morales sa elevator ng GMA Network kagabi, July 5. Hindi kami nag-aksaya ng panahon at agad naming tinanong si Vicky kung natuloy ba ang taping nila sa Puerto Princesa kasama ang aktor na si Jay Manalo, na pupuntahan sana ang babaeng nag-alaga sa kanya noong bata pa siya. Ayon kay Vicky ay hindi raw.

Noong araw na iyon ay na-detain sa Centennial Airport si Jay dahil diumano sa nagsalita ito ng "bomba" sa loob ng PAL airplane habang naghihintay ng take-off papuntang Palawan. Mahigpit kasing ipinagbabawal sa lahat ng paliparan sa Pilipinas ang pagsasabi o pagbibiro tungkol sa bomba dahil nga sa banta ng terrorist attacks.

Paliwanag ni Jay, nagkukuwentuhan lamang sila ng isang staff ng Wish Ko Lang tungkol sa nabasa niyang artikulo na may kinalaman sa bomba. Pero narinig siya diumano ng isang flight attendant na agad namang nagsumbong sa mga opisyales ng PAL, dahilan upang i-detain siya sa Immigration room ng paliparan.



"Oo nga, hindi kami natuloy. Na-preempt ang istorya namin at kailangan kong baguhin ang spiel. Ayoko sanang ipabanggit na para sa Wish Ko Lang ‘yon dahil mababalitaan ng kanyang nanay-nanayan at malalaman na pupuntahan siya sa Puerto Princesa, pero lumabas din," sabi ng newscaster na nakangiti pa rin.



Ayon pa kay Vicky, last Saturday sana ng July naka-schedule ang airing ng featured story sa isa sa dalawang babaeng umapon kay Jay na 20 years nang hindi nakikita ng aktor. Dahil sa nangyari, baka matagalan ang pagpapalabas sa pagkikita nina Jay at ng kanyang nanay-nanayan na umampon sa kanya bago siya nag-high school.

Sa kabila nito ay nag-alala pa rin si Vicky para kay Jay. Almost 12 hours kasing na-detain si Jay sa airport. Nagsimula siyang imbestigahan ng 8 a.m. at na-release lang siya ng 7 p.m. Bago pinakawalan ay dinala muna ang aktor sa ospital for medical and drug test at sa Pasay City Prosecutor's Office. Kahit released na si Jay ay patuloy pa rin daw siyang iimbestigahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jay ang ikalawang aktor na na-detain sa airport dahil sa salitang "bomba." Ang una ay si John Estrada na na-detain sa General Santos City airport dahil sa pagbibiro na wala naman daw lamang bomba ang kanyang bag habang iniinspeksiyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN