Angel Locsin visits Richard Gutierrez on "Lupin" set before flying to US


Angel Locsin reportedly visited her loveteam in The Promise, Richard Gutierrez, on the set of his TV series a day before she flew to the United States.



Naikuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng isang source mula sa production team ng GMA-7 na dinalaw ni Angel Locsin si Richard Gutierrez last Wednesday night, July 4, sa taping nito ng Lupin.



Hindi malinaw sa source ng PEP kung nagsadya sa Lupin set si Angel to say goodbye to Richard because the following day, July 5, ang lipad ng dalaga for the US para sa international screenings doon ng Angels, or may ibang sadya si Angel sa kanyang dating ka-loveteam.



Hindi rin namin sigurado kung totoong balak kunin ni Angel si Richard for a movie project that she is producing for her film outfit Eagle Eye Productions.

Puwede rin namang na-miss lang ni Angel ang kaibigan at gusto lang niyang makita si Richard because after her US trip ay diretso na siya ng London where she is set to take a short course on fashion design.

According to the PEP source ay hindi gaanong nakapag-usap sina Angel at Richard sa set dahil maraming scenes si Richard that day. Close din si Angel sa Lupin director na si Mike Tuviera—na siyang nagdirek ng last movie nina Angel at Richard na The Promise—so baka isa rin ito sa dinalaw niya. Sa Lupin set pa raw nag-dinner si Angel.

Angel's original plan was to go to London on July 15 to start her two-month fashion design course in preparation for her own sportswear line na plano niyang itayo soon, together with some business partners.

Ang sabi ay isa raw sa mga partners niya is a guy named Joel Tan who is said to be a son of billionaire business tycoon Lucio Tan.

Sa prestigious St. Martin's School of Arts in London daw mag-aaral si Angel, the same school kung saan nanggaling ang creative director ng House of Christian Dior na si John Galliano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

But what's this we heard na hindi raw nakapasa si Angel sa entrance exams sa nasabing London school? In other words ay mauunsyami raw ang balak ng dalaga na mag-aral doon kaya imbes na two months, baka after a week ay balik-Pilipinas na raw si Angel.

Ang isang Filipino fashion designer na alam naming nag-aral sa St. Martin's sa London ay si Mich Dulce, who was one of the housemates in Pinoy Big Brother Celebrity Edition on ABS-CBN.

PEP also learned na nag-exam dati si Ruffa Gutierrez sa St. Martin's and she passed the entrance test, pero nang malaman ng mother niyang si Annabelle Rama that she'll be staying in a London flat with three housemates ay hindi na siya pinayagan ng Mommy niya na mag-aral sa London.

Her supposed fashion design studies in London ang dahilan kaya humingi muna ng bakasyon si Angel from GMA Network and she didn't accept the lead role in Marimar which was originally intended for her.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN