ABS-CBN refuses to promote GMA film of Judy Ann Santos and Jolina Magdangal


Judy Ann Santos (left) and Jolina Magdangal (right) were both hoping that they could promote their first full-length movie together, Ouija, on ABS-CBN. But the Kapamilya Network has reportedly decided against it. Ouija is a co-production of GMA Films and Viva Films.



Masaya ngunit may isang hindi gaanong magandang balita ang first general presscon ng Ouija—ang GMA Films-Viva Films horror movie na pinagsasamahan nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal—kagabi, July 5, sa 17th floor ng GMA Network.

Nag-request daw kasi si Ms. Veronique del Rosario-Corpuz, Viva Films head, sa ABS-CBN kung puwedeng makapag-promote ang Oujia kahit sa tatlong shows lang ng Kapamilya Network—namely Sharon, The Buzz, and Boy & Kris. Pero hindi raw sila pinagbigyan ng ABS-CBN.

Ayon kay Noel Ferrer, na bukod sa pagiging part of GMA Films ay siya ring naging emcee sa said presscon, may last recourse pa naman daw. Ang manager daw ni Juday na si Alfie Lorenzo ang kakausap sa mga big bosses ng ABS-CBN para makapag-promote sina Judy Ann at Jolina sa ilang shows ng Kapamilya Network. Ito ang sinabi ni Ms. Veronique when the promo idea was turned down by ABS-CBN.

Two months ago, sa promotion phase ng Paano Kita Iibigin? ng Star Cinema starring Regine Velaquez and Piolo Pascual, pumayag ang GMA-7 na i-promote ang pelikula sa kanilang istasyon dahil Kapuso naman si Regine. GMA Films was hoping that one good turn deserves another dahil Kapamilya naman si Juday.

Bagama't nagulat sa desisyon na ito ng kanyang mother network, hindi masama ang loob ni Juday sa nangyari dahil she's still hoping naman na baka magbago pa ang isip ng ABS-CBN. Nagtatanong lang siya kung bakit hindi pumayag ang ABS-CBN na mai-promote ang Ouija sa kanilang mga programa.

"Akala ko, nang nakapag-promote sa GMA ang pelikula nina Regine at Piolo, kami rin puwede sa ABS. Bakit sila napayagan ng GMA, bakit kami hindi napayagan ng ABS? 'Yun lang naman ang tanong ko, e, bakit?" sagot ni Juday sa issue.

Nanghihinayang din si Jolina sa turn of events. Dating Kapamilya bago lumipat sa GMA-7 si Jolens, isa rin sana itong paraan para mabisita niya ang original home station niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipapalabas ang Ouija sa July 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN