GMA Films meets with Sharon Cuneta and Robin Padilla for their reunion movie


Megastar Sharon Cuneta (left) and action superstar Robin Padilla (right) reportedly had a meeting with GMA Films executives last night to discuss their movie together. Sharon and Robin were last seen together in the 2001 movie Pagdating ng Panahon.


Isang GMA Films insider ang nagbalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na pagkatapos ng presscon nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal para sa Ouija kagabi, July 5, ay tumuloy sa makati Shangri-La Hotel sa EDSA ang mga executives ng GMA Films na sina Annette Gozon-Abrogar, executive producer; Joey Abacan, supervising producer; at Noel Ferrer, project manager for synergy and promotions. Ang Shangri-La meeting ay may kinalaman sa story conference ng pelikulang pagtatambalan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla para sa film arm ng GMA-7.



Ka-meeting daw nila sa hotel sina Sharon at Robin, pati na rin siguro si Direk Joey Reyes na siyang napipisil upang magdirek ng still untitled movie. Ang Sharon-Robin reunion movie ang isusunod ng GMA Films sa Ouija. Kung masusunod ang original schedule, sa August na magsisimula ang shooting ng dalawang superstar para sa kanilang balik-tambalan.



Patuloy na makikibalita ang PEP sa big project na ito ng GMA Films. Ngayon pa lang, pinag-uusapan na kung papayag ang ABS-CBN na ma-promote ni Sharon sa shows ng Kapamilya Network ang movie nila ni Robin. O kung payagan kaya nila si Robin na makapag-promote sa ABS-CBN.



Isyu kasi ngayon ang hindi pagpayag ng ABS-CBN management na mag-promote si Judy Ann Santos ng Ouija kahit sa Sharon, Boy & Kris, at The Buzz man lang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN