Cristine Reyes shoots her first-ever FHM cover


"Basta dapat abangan niyo ito. Sulit lahat ng pagod ko sa mga nakita kong shots. Hindi naman siya lumabas na bastos, pero talagang magugulat ka pag nakita mo. Ewan, basta ibang-iba ako dito," says Cristine Reyes about her first-ever FHM pictorial.



Hindi maitanggi ng young actress na si Cristine Reyes na malakas ang kabog sa kanyang dibdib sa pictorial ng kauna-unahang FHM cover niya kahapon, July 5, sa Tagaytay.

Ilang araw nga raw siyang hindi nakatulog kakaisip sa kalalabasan ng kauna-unahan niyang pictorial para sa isang men's magazine. Nag-crash diet pa nga raw si Cristine para siguradong slim siya sa kanyang photo shoot.

Kitang-kita naman ang kaseksihan niya lalo nang isuot niya ang two-piece swimwear.

"Nandito na ako kaya siguro kailangan ko nang gawin ito," patawang sinabi ng dalaga sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at GMA News na halatang nagpapalakas lang ng loob.

Ilang buwan din inabot ang "panliligaw" ng FHM kay Cristine kaya't marami ang nagulat nang pumayag siya.

"Siguro mahalaga yung constant assurance na lalabas na tasteful at lalabas siyang pinakamagandang babae ng Agosto," kuwento ni Allan Madrilejos, editor-in-chief ng FHM.

Importante raw para kay Cristine ang tiwala at suporta na ibinibigay sa kanya ng kanyang mga mahal sa buhay, partikular na ng kanyang ina at ng ate na si Ara Mina.

"Basta bahala raw ako. May tiwala naman daw sila sa akin kaya okay lang," ayon sa nakababatang kapatid ni Ara.

Marami ang nagulat nang lumabas na si Cristine para humarap sa camera.

Ang laki nga ng kanyang pagbabago—sa hitsura, sa hubog ng katawan, hanggang sa pag-emote sa harap camera, dalagang-dalaga na si Cristine. Ibang-iba na siya sa nakilala ng marami na child-like showbiz aspirant noon sa StarStruck Batch 1.

"Ang lakas ng dating niya lalo nang maghubad na siya ng damit, nung naka-two piece na lang siya. Grabe! Babaeng-babae ang dating!" sabi ng makeup artist na si Jigs Mayuga.

Dagdag ni Jigs, "'Yung makinis niyang balat ang talagang edge niya sa ibang artista. Dito sa photo shoot na ito, di nga kami gumamit ng body make-up, e."

Nakailang palit din ng two-piece swimwear si Cristine, lahat nagpapakita ng magandang hubog ng kanyang katawan. Tumagal ng halos pitong oras ang shoot sa Tagaytay. Matapos ang pictorial natuwa naman siya sa kinahinatnan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta dapat abangan niyo ito. Sulit lahat ng pagod ko sa mga nakita kong shots. Hindi naman siya lumabas na bastos, pero talagang magugulat ka pag nakita mo. Ewan, basta ibang-iba ako dito," pahabol ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN