Sunshine Cruz breaks silence over rumors she and Cesar Montano separated


Sunshine Cruz finally breaks her silence about rumors that her marriage with Cesar Montano is on the rocks. The actress vehemently denies reports that she left their house in Quezon City.



Handa nang sagutin ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz ang mga balitang nagsilabasan nitong nakaraang linggo tungkol sa kanilang pagsasama.



Na-realize ng mag-asawa na hindi naging mabuti ang kanilang pananahimik tungkol sa mga isyu sa kanila. Kabilang na rito ang pagpunta diumano ni Cesar sa A1: Airforce One, isang girlie bar sa ParaƱaque City; ang pagpunta raw ni Cesar sa Bohol paggaling nito sa Los Angeles na hindi man lang dumaan sa bahay nila sa Quezon City; at ang paglalayas diumano ni Sunshine sa kanilang bahay dahil sa galit nito kay Cesar.

Inamin ni Cesar na nagpunta nga siya sa Airforce One, pero 'yun daw ay may kinalaman sa pagre-research niya para sa susunod niyang pelikula. Nilinaw rin ng aktor na hindi siya nag-iisa nang magpunta sa naturang lugar.

Windang na windang naman si Sunshine nang ma-headline sa ilang pahayagan na hiwalay na sila ni Cesar, at pati raw mga hindi showbiz reporters ay inaabangan sila sa gate ng kanilang bahay.



Doon daw namulat si Sunshine na hindi pala sila basta-basta showbiz couple ni Cesar. Lahat ng kanilang ginagawa ay inaabangan ng maraming tao kaya panahon na raw para basagin ang kanilang katahimikan.



Heto ang text message na ipinadala ni Sunshine sa PEP (Philippine Entertainment Portal):

"Sori di ako maka-reply sa inyong lahat for the past few days. I thought 'yung pagtahimik ko ang pinakamabuting puwede kong gawin sa issue na ito para mamatay, dahil di nga kami nagsasalita.



"Akala ko nga, when Buboy [Cesar's nickname] explained his side, tapos na ang issue. 'Yun pala, umpisa pa lang ng mas masalimuot na karanasan. Hay! Hangga't maaari, I wanted this to be private. Hindi naman ako nagalit sa kanya [Cesar], but I just thought it should be his responsibility to explain since hindi naman talaga ako ang involved sa issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I didn't want to give satisfaction sa kung sino ang nagkalat ng malisyosong text... Hindi kami hiwalay at hindi rin ako lumayas. Thanks!"

Mapapanood sa Showbiz Central ngayong Sunday, July 8, ang interview sa mag-asawang Cesar at Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN